Nag'Blush Siya

108 0 0
                                    

What she gets she wants. Jane has the most charming smile lalo na kapag nag-aasal bata siya. Tinatakpan ko na nga ang mukha ko para hindi siya makita kapag may hinihiling kaso lalo siyang dumidikit sakin para pilitin ako. Kapag ibinigay na ang gusto bigla na lang nag-eevolve at laging gustong praktisin ang taekwondo sa akin. Sa mga albums nga namin sa bahay marami sa mga picture namin ay nakapulupot ang kanyang braso sa aking leeg pero nakangiti naman para hindi obvious na sinasakal.

She's a certified brat kahit ayaw niyang maniwala. Noong nakaraan, tinawagan n'ya ako para yayain magmall dahil naiinip siya sa bahay nila.Tumanggi naman ako dahil puyat pa ako sa pakikipag-usap kay Sofia. Nakumbinsi ko naman siya na hindi ko siya masasamahan. Pero wala pang sampung minuto, nasa harap na siya ng bahay at aalis na daw kami. Pinagalitan pa ako ni Mommy dahil umaandar daw ang metro ng taxi. Wala naman ako nagawa dahil nasa plano na ang lahat bago pa man niya ako tawagan. Pumunta kami ng mall kahit wala naman kaming gagawin. Gala. Upo. Nood ng dumadaan. Inom. Nguya. Napanood na namin ang mga sine kaya nagpadesisyunan namin mag-arcade na lang para di magkasawaan sa aming mga mukha. Pinili niya ang mga laro na kaya niya akong talunin tapos saka ako sisigawan.

"Mahina ka pala Loi! Weak!" Kapag naman hinahamon ko siya na iba ang laruin para makabawi ako, tatawanan lang niya ako. "Huwag ka na! Baka lalong bumaba ang self-esteem mo Loi kapag natalo ka na naman." Malakas siya mang-aalaska pero hindi naman aabot sa puntong nakakaasar. I like her attitude kahit may pagkabratinela at pagkamaldita.

Lagi siyang may bitbit na mga pasalubong para kay ermat. Kadalasan mga girly stuff kaya pakiramdam ni Mommy magkasing-edad lang sila. Dinig ko sa usapan nila may plano pa silang magkaroon ng regular gym session. Hindi ko alam kung pinaplastik nya lang ang nanay ko dahil sa pagpapanggap namin o likas na talaga sa kanya ang pagiging sweet. Nahihirapan tuloy akong mag-isip kung paano ko isisingit si Sofia kung sakaling ipagtapat na namin ang lahat. Sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam na aabot sa ganito. Kailangan ko talagang bitiwan ang isa. Pero sino? Si Jane na masayang kasama at gustong gusto nina Mommy o si Sofia na mahal ko at mas tipid kasi pwedeng lakarin ang tirahan.

"Gusto kong makita ang Sofia mo," wika ni Jane.

Napailing ako. "Huwag na. Maiinsecure ka lang."

"Hindi! Gusto ko lang makita ang babaeng pumatol sa'yo." Sinusundot pa niya ang aking tagiliran para pumayag ako.

"Pangit na ba talaga ako at wala ng papatol sa akin?"

"Malaki na ang improvement mo mula noong binago mo ang hair style mo at inalis mo na ang salamin."

"So pangit ako dati?"

"Hmmmm. Hindi naman. Jologs ka lang dati. J-O-L-O-G-S." baybay niya sa mga letra. "Jologs!"

Napangiti ako. Ngiting pwede ilaban ng Mr. Photogenic. "Do you find me attrative?"

"Oo naman. Lalo kapag nakangiti ka. Mas gumagwapo ka."

"Talaga? Baka naiinlove ka na ha? Sabihin mo lang."

"Kapal mo naman! Lumaki na agad ang ulo pinuri lang kita."

"Aminin mo na! Huwag magdeny!" Ako naman ang humahalakhak ngayon at siya naman ang umiiwas sa asaran. "May namumulang kamatis. Malapit ng mahinog."

"Gusto mong tumagos sa dibdib mo ang kamao ko? Ano?!" Tumayo siya at ipinakita ang kamaong hindi naman dapat katakutan sa sobrang kakinisan.

BLACK BELTER KONG PRINSESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon