CHAPTER 5 - Uniform

26 1 2
                                    

Martin's Point Of View

"Ito kasi, Gelo. Ang angas angas, akala mo kung sino. Siya na nga 'tong nakabangga, siya 'tong galit." Inis na sabi ng lalaki,

Agad naman akong nagsalita, "hoy, kung hindi dahil sa katangahan niyang kaibigan mo hindi sana ako madudumihan. Palibhasa mga squatter kayo, dudumi ng ugali niyo." Inis kong sabi at diininan lalo ang mga salitang binitawan ko,

Nanlaki ang mga mata ni Gelo at kita kong pingilan niya 'ko, "Martin, tama na!"

"Anong sabi mo?" Susugurin na sana ako ng lalaking 'yon nang humarang si Gelo...

"TUMIGIL NA KAYO!" Isang malakas niyang sigaw na siyang nagpatahimik dito sa buong canteen.

"Or else dadalhin ko kayong tatlo sa guidance!" He said rason para umatras ang lalaking dapat sana ay susugod sa'kin.

Umalis na 'ko at ayoko nang makita ang pagmumukha nila, nakaka bwisit lang. Pero bago pa ako umalis ay narinig ko ang sabi ni Gelo sa lalaking nakaaway ko, "sorry sa inasal ng kaklase ko. Ako na mismo ang humihingi ng pasensiya bilang president nila. Sorry talaga sa ginawa niya."

Pss, papansing bading. Bida-bida masyado. Pagkatapos non, as expected ay sinundan ako ni Gelo.

Habang naglalakad ako ay humarang siya sa dadaanan ko "are you okay?" He asked full of concern.

Agad ko namang inilayo ang mga kamay niya na nakahawak sa balikat ko, "papansin ka 'no?" Pagpapataas pa ng pride ko,

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinaad ko, "huh?"

"Ikaw pa talaga ang nag-sorry sa kanila. Tell me, kinataas mo na ba yung pagpapa-bida mo?" Ani ko at ngumisi pa, agad niya naman akong tiningnan ng masama.

"You said something offended them, anong ine-expect mong gawin ko?! 'Wag pansinin 'yon?!"

"EXACTLY! Ba't ba nakiki-epal ka pa sa away namin? Pinanganak ka bang papansin?" Ang sagot ko,

Umiling siya, "hindi ko alam kung ano bang problema mo at inaaway mo mga tao rito sa school. First day palang at ganiyan na ang pinapakita mong ugali sa'kin. Napaka basura."

Wow?! Ako pa ang basura, huh? "Ah talaga ba? Sino kaya ang basura sa'ting dalawa, bakla?"

"I said don't you call me that." He said

"Wala akong pake—" naputol ang sinabi ko nang biglang malakas na sampal ang nagpatalsik sa'kin.

Ramdam ko ang lakas nito at napahawak ako sa pisngi ko.

"Kanina pa 'ko namumuro sa'yo." Aniya na siyang nagpalaki ng mata ko. Hindi ko ine-expect na gagawin niya 'yon

Hindi ko inakalang masasampal niya 'ko.

"Kung hindi mo kayang ayusin ugali mo rito, bakit dito ka pa nag-aral?!" He asked, I was stunned at that moment.

Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko.

"Galit na galit ka dahil natapunan ka ng palamig?! Dahil nadumihan uniform mo?!" He shouted

Tinignan ko ang uniform ko, at hindi parin ako makasagot sa tanong niya. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT!

Mabuti ay nandito kami sa locker area at bigla niyang binuksan ang isang locker at kumuha ng isang uniform, tinapon niya 'yon sa'kin.

"Oh ayan! Magpalit ka!"

"Liit liit na bagay papalakihin. Para kang bata!" Sigaw nito

"Sa susunod na may awayin ka pa rito, I won't hesitate to bring to the guidance office." He said at umalis na. I was left stunned,

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari, na sinampal niya ako. Hindi ako makapagsalita ng mga oras na 'yon.

Tumungo na 'ko sa comfort room at nagpalit na ng uniform. Binutones ko na ito at nakatingin lang ako sa salamin dito sa sink at hinilamusan ang sarili.

"You fucked up your first day, asshole." Bulong ko pa sa sarili, habang patuloy na tumutulo ang mga tubig muka sa basa kong buhok.

"Ano bang ginagawa mo, Martin?!" Hindi parin nagsi-sink in sa isip ko ang pagsampal sa'kin ni Gelo. Para bang nauulit nang nauulit yung pangyayaring 'yon sa isip ko.

"Bakit mo hinayaang sampalin ka niya?! Akala ko ba malakas ka?! Bakit natahimik ka nang sinampal ka niya?!" The words on my mind

Sinampal ko nalang bahagya ang sarili ko, "you're such a jerk!"

Pagkatapos ng mga oras na 'yon ay bumalik na 'ko sa classroom. Patuloy parin ako kinakain ng mga nangyari kanina sa'min ni Gelo. Tang ina! Ayoko nang maisip 'yon! Mas pinili ko nalang pagtuunan ng pansin ang mga nakikita ko ngayon. I see everyone with their own circle, just like perpetual may mga sari-sarili ding mundo ang mga tao rito.

Tahimik ko lang linakad ang kahabaan ng hallway at hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa classroom. Of course I'm a lonely person here, wala namang akong kilala rito at ayokong makipag-kaibigan sa kanila.

Tahimik ang classroom namin, sobra, yung iba gumagamit ng cellphone yung iba naman ay natutulog. Wala naman na akong ibang gustong mangyari ngayon kundi ang umuwi na.

Napaka boring dito at gusto ko nang umuwi! Ayoko na rito!

Wala akong ibang magawa kundi ang tawagan si Dad, hindi pa naman tapos ang recess kaya't tatawagan ko na muna siya.

Hindi rin nagtagal ay sinagot niya ang tawag ko,

"Oh anak? Kumusta ang first day?"

"Dad! I don't want to be here! Please, I can't survive here! I won't survive here, dad!" Wala namang ibang sinagot si dad kundi ang tawanan ako,

"You just need to give that school a chance, Martin. Get along with everyone, I'm pretty sure na marami kang magiging kaibigan diyan."

Ugh! Bahala na nga! Binaba ko ang phone at nagpatuloy nalang sa pag-kain, oo nga pala bumili ako sa canteen ng pagkain. Egg sandwich ito at wala na akong pakialam sa lasa basta't malamanan ang sikmura ko. Bakit ba kasi pinipilit ako ni Dad dito?! And how is he so sure na marami akong magiging kaibigan dito?! Tignang mo nga ang nangyari kanina!

Ang dami kong nakaaway! I really don't belong here!

I hate public students tapos nag e-expect siya na marami akong magiging kaibigan?! Bahala ka diyan, Dad!

I met him at TVNHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon