CHAPTER 13 - You think I'm Gay?!

5 1 0
                                    

Martin's Point Of View

"Ano kumusta naman ang lasa?" Tanong ni Gelo na katabi ko ngayon na siyang umiinom din ng sarili niyang drink, sa wari ko'y milktea ito dahil may pearl.

Tumango ako ng bahagya pagkatapos sumipsip sa aking inumin, "Masarap nga siya, ayos ang lasa!" I said

Napangiti naman si Gelo sa sinabi, "sabi ko sa'yo eh. Bawi ko na 'yan sa'yo doon sa streetfoods. Marami rin kasi ang nabili natin no'n eh." Ani niya at tumango nalang ako, pareho kaming napabaling ni Gelo sa katabi naming si Shaun at si James na siyang magkatabi ngayon.

Ang lakas nga ng loob ni Shaun tumabi kay James, talagang may kumpyansa siyang gawin 'yon. Hindi ko nga siguro kakayanin kung ako ang gagawa no'n.

"Oh my god, James! Ang sarap nga nitong matcha!" Sigaw nito pagkatapos nitong uminom sa drink niya, napatawa naman ng bahagya si James, "Totoo" mikli niyang sagot

"Bakit mo nga pala ginaya ang flavor ko? Bakit hindi ka namili ng sarili mo?" James asked,

Agad-agad naman siyang sinagot ni Shaun, "Wala na kasi akong mapili, and gusto ko rin kasing twinning tayo. Alam mo na? Same drinks!" Sigaw nito habang itinatabi ang kaniyang drink sa drink ni James,

Walang naisagot si James kung hindi ang mapatawa na lamang,

"Alam mo, James? Boring ang puro drinks lang tayo rito." Shaun said at tumingin kay Gelo,

"Gelo, order ako ng mini donuts. Mga tatlong order." ani niya at tumango nalang si Gelo at ginawa naman ang order ni Shaun. Ang cool, mayroon din pala silang mga pagkain dito kagaya ng waffles, mini donuts and cupcakes.

Muli naman akong nakinig sa usapan ng dalawa, "James, alam mo gusto ko kapag naging tayo na ay dito tayo magde-date araw-araw." Natawa naman ako sa sinabi ni Shaun, iba talaga siya!

Napatawa rin si James sa sinabi ni Shaun, "Grabe nga 'yon hahaha," tugon ni James,

"Seryoso nga ako, promise!" Ani naman ni Shaun habang natatawa-tawa rin.

Agad namang sumagot ang kasama niyang babae, "Kadiri ka beh! Nandidiri na si James sa mga sinasabi mo oh!" Bitter na sabi ng kaibigan niya na halata namang biro lang.

Agad umirap si Shaun, "Wala kang pake, sis ha? Pakialamera!" Sigaw nito at tumawa rin naman sila.

Aaminin ko, mabait at nakakatawa itong si Shaun. Tama ang mga sinabi ni James tungkol sa kaniya, ma-effort din. Siguro nga kung ako ang nasa posisyon ni James ay mako-konsensiya rin ako, tipong grabeng effort ang binibigay sa'yo ng tao tapos wala kang maibigay pabalik.

Muli akong humigop sa drink na iniinom ko ngayon at napabaling ako sa katabi kong si Gelo,

"Ang sweet nila, 'no?" Tanong nito habang natatawa-tawa pa, I chuckled and answered him "Grabe naman kasi yung isa, haha."

"Pabayaan mo na, ganiyan talaga 'pag sobrang in-love." He said na ikinatango ko nalang.

Sa kalagitnaan ng katahimikan sa'min ni Gelo, patuloy parin ang pagdadaldalan nina Shaun at James. Napaisip tuloy ako kung may nagugustuhan ba si Gelo, kagaya ni Shaun ay mayroon din kaya siyang taong natitipuhan? Baka naman may ina-admire siya secretly.

Hindi ko tuloy naiwasang tanungin siya, "Ikaw Gelo, wala ka bang nagugustuhan?"

Pagkatapos kong ibato sa kaniya ang tanong na 'yon ay lumayo ang tingin niya sa'kin. Tumingin siya sa mga studyanteng naglalakad sa kalsada,

"As of now, hindi ko alam." Ang tangi niyang naisagot sa'kin that left me curious. "What do you mean hindi mo alam?" Tanong ko muli,

"Ewan ko, hindi ko maintindihan eh. Hindi ko alam kung gusto ko siya or hinahangaan ko lang or what." He said habang patuloy ang pagtingin sa malayo habang ako naman..

I'm looking directly to his eyes, trying to figure out kung sino ang tinutukoy niya. Sino kaya ang tinutukoy niya sa mga sinabi niya, isa kaya sa mga kaibigan niya? O mga kaklase namin? O kasama niya sa SSG? O sa team? O sa club?

Sobrang curious ako sa kung sino ba 'yon! Hindi ko alam kung bakit, hindi ko rin maintindihan.

"Sino naman kaya 'yan?" Ani ko at that time, finally, tumingin na siya sa'kin.

"Secret! Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" Ani nito habang tumatawa pa ng kaunti.

Hindi na ako nagsalita pagkatapos noon at nagpatuloy na sa pag-inom ng drink ko. Pagkatapos naman ng ilang segundo ay ibinalik sa'kin ni Gelo ang tanong na binigay ko sa kaniya kanina. "Ikaw ba? Wala ka bang nagugustuhan?"

Napaisip naman ako, thinking about every girl that I know. None of them got me the feeling that I want to feel, habang nag-iisip ako ng kung sino kaya ang nagugustuhan ko, pumasok sa isip ko ang pangalan ni Gelo.

Pero hindi ko siya gusto!

hindi...

hindi

I'm straight, and there's no way na magkakagusto ako sa kaniya. I can only see him as a friend and nothing more than that.

Although there are many things about him that I love pero that doesn't mean I'm romantically in love with him, that I like him. Hindi mangyayari 'yon, never mangyayari 'yon.

"W-wala pa naman," maikli kong sagot,

"Weh?"

"wala ba talaga? Sa dinami-dami ng maganda sa school, wala kang nagustuhan?" 'Yon na nga eh, sa dami ng babae sa school, sa dami ng mga magaganda ay nakakapag-taka dahil wala akong gusto kahit isa sa kanila.

Usually kapag nakakakita ako ng maganda, they always got my attention. Marami akong naka-flirt na babae before when I was in perpetual. Pero ngayon? Wala eh, siguro ay wala lang talaga akong type rito.

"Wala akong type sa kanila, eh" tanging sagot ko,

Walang ibang sinagot si Gelo, pagkatapos noon ay muli siyang nagbato ng tanong sa'kin. Tanong na talagang ikinagulat ko,

"Straight ka 'di ba?" Doon ako napatingin sa mga mata niya,

"Y-yes," sagot ko, "why?"

"Wala lang, akala ko kas—" agad naman akong sumagot, "you think I'm gay?!" Inis kong sagot,

"U-uh, ano" I cut him off again, "So you think I'm gay?!" Sagot ko pa,

"Teka bakit nagagalit ka?" Muli naman niyang tanong, talagang magagalit ako. He thinks I'm gay, anong ine-expect niyang magiging reaction ko? Matuwa? Ang kapal naman ng mukha niyang i-assume na bakla ako!

Sorry siya at hindi ako kagaya niya!

"I'm not like you, and hindi ako magiging kagaya mo. I rather die than being gay." ani ko pa, agad namang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ano ba'ng problema sa pagiging bakla? You're ashamed of being one?" Takang tanong niya,

"Of course, hindi naman ako bakla. Walang mali sa pagiging bakla, ayoko lang sa ba..." natigil ako nang masabi ko ang mga 'yon at napatingin muli sa kaniya,

"ayaw mo sa bakla?" Mahinahon ngunit inis niyang tanong, habang nanlilisik ang mga mata sa'kin.

Hindi ako nakasagot,

"so ayaw mo sa'kin?" Isa pang tanong niya at agad naman akong umiling.

"N-no—" he cut me off this time, "If you don't like gays, then you don't like me." Agad siyang tumayo at lumabas na ng cafe, habang ako naman ay sinundan siya.

"G-Gelo, teka," pagtawag ko sa pangalan niya.

"Umuwi ka na, tapos naman na ang duty mo sa library." He said at nagpatuloy na sa paglalakad palayo ng cafe habang ako naman..

Naiwan mag isa rito sa labas,

Ano ba'ng ginagawa mo Martin!?

I met him at TVNHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon