CHAPTER 18 - Gusto ko na talaga siya?

12 0 0
                                    

It's 6:17 pm na at hindi parin nagigising si Gelo mula sa pagkatulog niya. Diyos ko, almost three hours na siyang tulog, ganoon na ba kalala ang pagod niya?

Sa bagay, if I'm going to think about his sleeps dahil sa mga ginagawa niya ay paniguradong nakakapagod talaga.

As I was looking at him, napagisip-isip kong hindi pa siya kumakain. Sakto, kumalam na rin ang sikmura ko. Ramdam ko na ang gutom sa loob ko, naisipan kong bumili ng pagkain sa labas

Tama, bibili ako ng pagkain. Para sa aming dalawa ni Gelo.

Aalis na sana ako nang mapatingin ako sa sarili ko, puta, wala nga pala akong suot pang itaas. Kukunin ko na muna sandali kay Gelo uniform ko na siyang nakapatong sa kaniya.

Sandalian lang dahil kailangan kong bumili ng pagkain.

Hindi ko na masyadong binotones ang polo ko, siguro dalawang butones lang sa baba ang naka-butones. Wala na akong pakialam kung kita ang dibdib ko, sandali lang naman akong mawawala eh.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng library ay nakita ko kaagad ang ulap na madilaw dahil sa palubog na araw. I'm pretty sure na kaunting minuto nalang ay tuluyan nang didilim.

Kung tatanungin niyo ako kung hinahanap ba ako ni Dad, syempre hindi. Simula kasi noong matanggap ako rito sa club ay sinabihan ko na siya na male-late talaga ako ng uwi paminsan-minsan. Okay lang naman si Dad sa kung anong oras na 'ko uuwi, besides malaki naman na raw ako at responsable na.

Anyway, nandito na ako sa Jollibee sa Colours, restaurant dito sa mini mall na nakatayo near our school. Natakam kasi ako sa Fried Chicken ng Jollibee kaya't dito na ako dumeretso.

Nandito na ako sa cashier at syempre um-order na ako ng dalawang Burger Steak, dalawang Fried Chicken at Coke Float with two medium Fries plus two Yumburgers and one Jolli-Spaghetti. Okay na siguro ang mga 'yon para sa'min dalawa ni Gelo.

Nag-antay ako ng ilang minuto at kasabay ng order ko ang tuluyang paglubog ng araw. Nang makalabas ako ng Jollibee ay madilim na. I'm pretty sure hindi pa naman aalis si Gelo if ever na magising siya.

Agad na akong sumakay ng Tricycle at bumaba na sa school dala-dala itong malalaking paper bag na may lamang mga pagkain namin ni Gelo.

Good thing is hindi pa siya gising.

Inilapag ko muna ang mga pagkain sa mini table na nandito sa harap ng couch kung saan natutulog si Gelo. I looked around at napagisip-isip kong linising itong library.

Hindi naman ito ganoon kalakihan kaya't malilinis ko 'to ng mabilisan.

Kinuha ko na ang walis at sinimulan nang magwalis dito. Luckily kakaunti lamang ang dumi rito sa library, sa tingin ko ay madalas itong linisan kaya ganito nalang ang kalat na nakuha ko.

Hindi rin naman nagtagal ay nagising na rin si Gelo, paanong hindi ko malalaman eh nagse-stretch stretch pa siya ng kamay niya at sinamahan pa ng pagkuskos sa mata.

"Oh, gising ka na pala." Agad naman siyang napatingin sa likod niya kung nasaan ako.

Gulat niya akong sinagot, "Oh, hindi ka pa umuuwi?" Takang tanong niya

I smirked and answered his question, "Secret," at sinabayan ko pa ng pang-asar na facial expression.

"Ano yung mabangong 'yon?" Tanong niya at sinundan ang amoy na 'yon at na-realize niya namang nasa harapan niya ang mga pagkain. Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa'kin, "oh, kanino 'to." Nang makita niya ang mga supot ng Jollibee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I met him at TVNHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon