Chapter IV: Call

15 1 0
                                    

I woke up with a comforter covering me. Walang ni anong aninag ng araw ang tumama sa mukha ko ngayon since the windows and the veranda is covered with heavy curtains. I stood up and fixed the sofa bed.

Wala na roon si Madam Victoria. Maybe she already went down to eat breakfast. But does she eat breakfast like how a normal person do though? Or does she only survive by drinking human blood? Ang senaryo kagabi ay muli na namang naglaro sa aking isipan.

I passed out after she did what she has to do. I felt my cheek burn as I remembered all that's happen. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa higaan at tinignan ang repleksyon ng leeg ko mula roon. Dalawang sugat mula sa pagkabaon ng mga pangil niya ang naiwan. Totoo nga talaga ang mga nangyari kagabi. Hiniling ko pang sana ay panaginip lang ang lahat sa aking pag-gising. Wala na akong maramdaman na sakit pero nandito pa rin ang bakas na iniwan niya. Mukha pang chikinini, bwiset.

I looked at the time, alas syete pa naman ng umaga baka kayanin ko pang makapasok mamaya. Para mas lalong makasiguro ay nagtipa na ako ng mensahe para kay Julia na baka ma-late ako ng pasok. Agad niya naman itong sinagot na ipapaalam niya na lang sa manager namin.

I was interrupted on what I'm doing when I heard knocks from the door. Nagmamadali ko 'yong binuksan expecting to see Madam Victoria in front pero hindi pala siya ang nasa harap ng pinto. Ang babae na nasa likod nang matandang babaeng nag-ayos ng higaan ko kahapon ang nasa aking harapan. She's now wearing a black long-sleeved polo and a long black skirt with a laced white apron attached to her waist. She has this fair complexion, brown eyes, pointed nose, and a chestnut wavy hair. She's standing formally in front face so serious with a bit of curiosity in her eyes.

She was intently looking at the left side of my neck na agad ko namang tinakpan ng palad ko. She was definitely looking at the bites.

Napatikhim ako, "Uhm, hello. Ano ang kailangan mo?" I asked. Iniwas niya ang tingin doon at malalim na inusisa ang kabuuan ko. When she was satisfied she looked at me straight to my face.

"Pinapatawag ho kayo ni Madam. Baka raw po ay nais niyo nang mag-almusal," her voice so icy as if it's trying to penetrate my soul. Para siyang amo niya, anlamig.

"Pakisabi ay susunod na lang ako."

"Ayaw ng Madam nang pinaghihintay," wala na lang akong nagawa kun'di ang sumunod. She was so serious telling me about it. Alam ko na rin ang limit ng pasensya ng babaeng 'yon.

We went downstairs and went straight to their dinging area. Isang malaking 12 seater na dining table ang naroon. Hindi nawawala ang chandelier sa kisame. The table was covered by a cream colored cloth with floral patterns, may mga kandila rin doon at sa pinaka-gitnang bahagi ay ang sari-saring mga prutas na sa tingin ko ay mga totoong prutas naman. May mangilan-ngilan ding iba pang kasambahay ang nasa dining area ngayon wearing the same outfit that the woman with me is wearing. Some were attending the needs of the woman sitting at the center seat of the long table and some were just beside the corner standing still probably waiting for her commands and requests.

She's wearing a gray tulip skirt na pinalooban ng hindi ko alam kung tube ba na itim na croptop o may strap ba kasi natatabunan naman ng suot niyang kulay puting tweed coat.

She's sitting peacefully while reading something on her ipad with her glasses on. I guess she felt my presence as I entered dahil agad siyang napasulyap sa akin.

"Sit," she said as she returned her attention back to what she's doing.

Parang aso naman. Pero wala naman akong nagawa kun'di parang tuta na sumunod sa pinagsasasabi niya. Baka ginagamitan niya ako ng mga abilida niya ha? Mga powers gano'n? Sige, okay na lang basta ay hindi gayuma!

Bitten In Love (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon