Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Bumungad sa akin ang isang chandelier sa gitna ng ceiling. Alam kong wala ako ngayon kila Trisha dahil wala namang gano'n sa bahay nila.
Where the hell am I?
I feel nauseous and hazy but I still managed to get off the bed kahit pa sobrang sakit ng katawan ko. Right, I got involved on an accident last night.
Isang bangungot na naman ang nadagdag sa listahan ng mga bangungot na gusto ko na lang makalimutan. Mukhang sinalo ko na nga talaga lahat ng kamalasan at trahedya sa mundo.
Pero nasaan ba ako, teh?
The room is glamorous. Its motif is like a victorian room that's mixed with black and cream colors. May mini sofa sa gilid at isang malaking mirror sa harap mismo ng kama. May vanity mirror din sa gilid at ang kama ay sobrang laki, mukhang victorian styled din ang bed dahil kita ang mga ukit na detalye sa headboard nito idagdag mo pa ang makakapal na itim na telang nakasabit sa magkabilang kilid. Mukha siyang crib actually, pang adult version gano'n.
Sobrang lawak ng kuwarto. May dalawang pinto pa sa loob. Ewan ko kung ano ang nasa loob no'n.
But because of curiosity agad kong nilapitan ang isang pinto to check it. Ika nga nila curiosity kills the cat but satisfaction can bring it back.
Ewan sa'ng lupalop ko 'yan narinig hahaha.
As I opened the door ay namangha na lang ako sa loob.
Isa pala itong malaking walk in closet!
Everything was there from the dresses, clothes, shoes, sandals, bags, jewelries, and more! Lahat ng 'yon ay may kaniya-kaniyang lagayan. Ang mga alahas ay nasa gitnang bahagi ng kuwarto at nakapaloob sa glass containers tila nagmumukhang naka-auction ang mga ito. Everything is tidy and presentable in the eye. Mukhang may mga taong binabayaran upang maglinis dito.
Iba talaga pag mayaman! Sana all!
Hindi na ako nang-usisa pa nang malala. I didn't even stepped a foot inside. Nakakatakot, baka 'pag may nawala ay mapagbintangan pa ako. I closed the door as I went to the other door beside the closet room.
Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero mukhang wala pa naman ang may-ari. Curious lang aba! Ikaw ba naman magisig sa hindi mo alam kung saang lupalop ka dinala.
Kinakabahang pinihit ko ang door knob ng pinto. I was left dumbfounded when I saw a woman na mukhang kakaahon lang mula sa bathtub.
She's completely butt naked. Wala siyang ni anong saplot sa katawan. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang malalaking mayon at ang perlas ng silanganan niya.
"Can't you knock?"
"Ahhhhh!" I screamed as I closed the door.
Tangina, cr pala 'yon? Bwiset.
I closed my eyes as the memory of her naked started to consume me once again. Fuck.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa kama ng kuwarto at nagtaklob ng kumot dahil sa kahihiyan. I can feel my face burning, sigurado akong sobrang pula ko ngayon.
Kama, puwede bang lamunin mo na lang ako ngayon na?
Bwiseeeet!
Oo nga pala, she saved me last night sa manyak na driver na nasakyan ko kagabi. Pero why am I here? Akala ko ay iuuwi niya ako kila Trisha? Tapos ngayon ganito pa ang unang nangyari? Nakakahiya!
Napasuntok-suntok na lang ako sa kama. Hindi ko naman sinasadya! Pero baka okay lang? Parehas naman kaming babae wala naman sigurong malisya, diba?
Sana naman 'di niya gawing big deal 'yon huhu.
BINABASA MO ANG
Bitten In Love (GL)
VampireMary Dorothy Clava is an ordinary girl struggling in living her life. It's as if the heavens have punished her for whatever she did on her past life. Struggling to live with her own expenses, Dorothy's willing to sacrifice her dignity to a job which...