Simula

28 0 0
                                    

"Aling Nena isang buwang palugit nalang po please? Magbabayad po ako. Di pa po kasi kaya ngayon, wala pa pong tumatanggap sa pinag a-applyan ko. Please Aling Nena..." I begged to Aling Nena as tears continued to flow down to my cheeks.

She's currently throwing my things out of the house. Ang mga damit at maleta ko ay nagkalat na sa masikip na daan. Our neighbors were just right there silently watching the commotion throwing their pitiful eyes on me na akala mo ay para akong isang inahing kakatayin para sa dadating na fiesta.

I just want to disappear like a bubble in front of everyone. Kung hindi lang ako walang-wala ngayon.

"Dorothy tang-ina! Apat na buwan ka nang hindi nagbabayad ng upa anong gusto mong gawin ko? Puro ka palugit, palugit kung hindi mo kayang magbayad umalis ka na! Nasisira pa hanap-buhay ko sayo!"

"Aling Nena sige na. Isang buwan na lang please," I cried and begged on my knees, the rough surface of the road had touched my skin but it seems like she already made up her mind.

"Tigilan mo ako. Umalis ka na at may bago nang uupa sa bahay bukas. Alis!" aniya sabay hagis ng tira kong damit sa aking mukha.

Damang-dama ko ang kahihiyan sa situwasyon kung nasaan ako ngayon. The people around us continued to whisper things and spit their pity towards me. Ang ibang bulungan ay hindi ko na maintindihan dahil wala nang pumapasok sa aking utak kun'di ang realisasyon na puno na lamang ng hindi magagandang pangyayari at kamalasan ang aking buhay.

I slowly picked up my things and put it inside my bag as I continued to shiver and sob. Mabilis na pinunasan ko ang aking mga luha but it seems like they don't have any plans to stop. Dalawang maleta at isang backpack, mukhang ito lang ang madadala ko sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa ngayong darating na gabi.

"Witweeew! Dorothy huwag ka nang umiyak! Kung gusto mo sa bahay ka na lang namin. Libre na renta basta payag ka lang na kainin kita tuwing gabi!" Raoul shouted at the corner as his underlings laughed.

He looked at me with a grin on his face which totally grossed me out. He's just even wearing boxers outside sa payat ng katawan niya nakakatakot at baka lamigin at lagnatin pa ito pauwi.

Some people at the crowd laughed on what he said too. Some just minded their own businesses as the scene has already ended and Aling Nena has already disappeared. I stood and grabbed my bags ready to get out of the scene as I continued to sniff.

My chest feels so heavy and my head's feeling a bit dizzy because of all that has happened. Parang lahat na lang yata ng kamalasan sa buhay masayang ipinagkaloob sa akin ng diyos.

I hurriedly walked out of the scene still processing everything when somebody grabbed my wrist. I tilted my head to look who it was. Pero kahit pa yata hindi ako lumingon ay malalaman ko na kung sino agad ito sa amoy ba naman ng araw.

"Hoy Dorothy kinakausap ka ng maayos, napakabastos mo naman. Kay gandang babae napakabastos eh." he smiled at me playfully.

Mabilis na inalis ko ang aking kamay sa mariing pagkakahawak niya at agad na naglakad palayo. I just want to escape that situation. Everything was just so overwhelming. Sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang hinablot ang aking kamay. Ngunit sa pagkakataon din na ito kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ko na magawang matanggal ang aking kamay sa kaniyang pagkakahawak.

"Ano ba?! Puwede bang bitiwan mo ako?" hindi ko na napigilang mag alburoto.

"Aba, ikaw na nga ang nangangailangan ikaw pa ang choosy. Sige na aba, one time offer lang 'to. Libre lahat basta ba ay gagawin mo lahat ng gusto ko hmm?" bulong niya pa sa aking tenga na sinabayan pa ng nakakadiring paghaplos sa aking braso.

Bitten In Love (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon