Disclaimer: Mention of Sexual Harassment/Abuse
----
Napakusot ako ng mata nang tumama ang init ng araw mula sa aking mukha. Agad akong napabalikwas nang bangon pero agad din akong napahiga ulit nang biglang sumakit ang aking ulo. My head is throbbing in so much pain.
"Buti naman at gising ka na mahal na reyna," I turned my head to look at the side where I heard someone speaking.
Nakatayo sa gilid ng kama si Trisha na naka-krus ang braso sa dibdib. Bakas ang inis sa mukha niya ngayon sa hindi ko malamang rason.
Ba't ba ganiyan itsura niya?
"Uuwi ka talaga ng lasing ano? Akala ko ba ay job interview ang pinunta mo? Sabi ko na nga ba," singhal niya sa akin.
Huh? Anong inom? Hindi nga ako umiinom eh!
"Hoy ha! Alam mong hindi ako umiinom," I defended myself.
Kung mayroon pang isang mas malapit na nakakakilala sa aking bukod sa lola ko ay siya 'yon. She knows na I don't drink! Bakit ngayon ay ganito ang sinasabi niya sa akin?
"Tignan mo kaya ang sarili mo? You're still on a party dress sexyng-sexy kang hinatid dito ng dalawang lalaki, blacked out! Tinatawagan ko phone mo sa pag-aalala dahil gabi na wala ka pa rin and guess what? A man, Roti! Lalaki 'yung sumagot ng phone?!" she was full of rage.
Pilit kong inalala ang mga nangyari. Ngayon lang nagsisink-in sa'kin ang kaganapan bago ako napunta rito. I was supposed to meet Mr. Miyamura on Serenitá e Vittoria. Pero ang tanging naaalala ko lang ay ang paghihintay ko sa lobby. I cannot remember any happening after that. Napasabunot na lang ako sa inis.
Frustration crept on my whole system as I tried to remember things. Hindi ko alam, hindi ko na alam. Sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing pinipilit kong alalahanin. Was I drugged? Bwisit! I cannot remember anything! Hindi ko nga alam kung nakita ko nga ba si Mr. Miyamura. All I remembered was the scene on the lobby before everything went black.
Two men? Sinong dalawang lalaki ba ang naghatid sa akin? Ngayon mas nataas ang hinala kong maaring I was drugged. Like why can't I remember a single thing after that? Wala naman siguro akong amnesia ano?
"Sandali nga, sinong dalawang lalaki ba ang naghatid sa akin? Nakuha mo ba pangalan?" I asked
"Hindi, sabi nila tauhan lang daw sila ng hotel and they found you drunk sa bar nila. Sakto naman dawng tumawag ako at sila pa nag presentang ihatid ka pauwi rito dahil diyan sa kagagahan mo, ba't ka ba nag-iinom ha?
If this is because of what's happening sa buhay mo edi sana inaya mo na lang ako mag shot. May pang GSM, RedHorse, at The Bar naman ako rito. Sosyal ka rin at sa hotel mo pa naisipan, kala ko ba ay wala kang pera?" may pagtatakang tanong niya. Bumakas din ang pagdududa sa kaniyang mukha.
Oh, God. Napasapo ako sa aking noo.
"Dapat may kikitain talaga ako no'n" I confessed.
Ang mga kuryoso niyang mga mata ay hindi pa rin nawawala sa akin. Umupo pa nga diyan sa kama para tumabi sa akin.
"Sino?"
"Basta! Chismosa mo."
"Ay malamang nag-alala kaya ako. Buti nga at nag-aalala ako eh gaga 'to!" I chuckled.
Napagpasyahan ko na lang na sakyan ang lahat ng pangyayaring nakahain sa akin ngayon. I told her na I was about to meet someone there, sabi ko ay kababata. Mukhang mali pa ngang sinabi ko iyon dahil mas lalo itong nagtaka but I managed to get out of the situation.
BINABASA MO ANG
Bitten In Love (GL)
VampiroMary Dorothy Clava is an ordinary girl struggling in living her life. It's as if the heavens have punished her for whatever she did on her past life. Struggling to live with her own expenses, Dorothy's willing to sacrifice her dignity to a job which...
