Rome's POV
"What?"
Iritableng tiningnan ko ng masama si Winona sa ekseheradong pagkakagulat nito. Nanlalaki pa ang mga mata.
"Nag resign ka na naman!" mulat ang matang sabi.
I shrugged my shoulder na binabalik ang tingin sa nilalaro kong video game. Lintik naman nakakatakot na silent hill to! Buti na lang maaga pa, pati ako kinakabahan pag nilalaro ko tong game na to.
"At san ka na naman mag a apply Rome? Goodness, pang sampung trabaho mo na yan!"
"OA ka!" singhal ko uli. Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa tv. Nanlalaki na kasi ang mga mata ko at kumakabog na sa takot yung puso ko. Inang! Ayun na naglabasan na yung mga maiitim na multo na hahabol sa akin. Shit na yan! Takbo na!
Napasigaw ako ng biglang namatay ang tv!
Nakatayo sa gilid ng tv si Winona hawak ang kurdon ng tv! Naninigkit ang mga mata nito.
"Winona! Bakit mo pinatay!" galit na hiyaw ko!
"Hoy Romina! You are not in teens anymore to play this stupid game na tinatakot ka lang at bibigyan ka pa ng heart attack! So, what is your plan ngayon na wala kang trabaho? Tumambay dito sa bahay nyo?"
Inirapan ko ito. Tumayo ako sa pagkakaupo at nagtungo sa kusina para dumampot ng maiinom. Nagdala ako ng dalawa at binigay ko sa kanya ang isa.