Rome's POV
Kulang na lamang ay mahimatay ako sa tuwa ng makita ko na kahit paano hindi pa nag uumpisa ang interview. Agad na nagtungo ako sa powder room at nag refresh.
Naalala ko yung nangyari kanina. Agad na napasimangot ako. Sa lahat naman ng magiging pangyayari sa buhay ko ngayong araw na ito eh nakasama pa yung makatagpo ako ng nuknukang arte na lalaki.
Mayaman nga.
Guapo nga.
May Jaguar pa.
Eh ang sama naman ng ugali! Monster! Nang aapi ng mahihirap!
Napa ismid ako. Napatingin ako sa salamin. Inalis ko yung pagkakalukot ng mukha ko, kahit man lamang sa interview eh magkaron ng magandang resulta ang araw na ito. Hindi na ako sinuwerte sa Silent Hill, nakabangga ko pa ang ever monster na tsinito na yon tapos na late pa ako! Hays! Kahit ito man lamang interview, positive.
Bumalik ako sa lobby kung saan naroon ang ibang aplikante. Nalaman ko na yung karamihan pala don ay pharmacists. Ako lang pala ang naka line up na IE na for interview. Naririnig ko na ang mag i interview daw sa mga pharmacists ay yung President ng United Pharma. Ayos ah! Sabagay, pharma company naman kasi ito.
Alam ko hanggang sa Manufacturing Manager lamang ang interview ko. Ikinibit ko ang balikat, at least madali ako makakatapos. Isa isa ng nawawala ang mga aplikante. Ako naman ay naghihintay na lamang sa manufacturing manager, nasa meeting lang daw ito.
Napaangat ang kilay ko kapag nakikita ko na ang sasaya ng itsura ng mga lumalabas after the interview. Malamang, na hired sila. I shrugged my shoulder. Good for them. Mga mukhang newly grad naman ang aplikante.
"Nakita mo yung President? He is so damn cute and hot! I am going to enjoy working here."
"Oo nga! Parang artista lang! Saka ang bata pa niya!"
Napatingin ako sa dalawang babae na palabas sa hallway kung saan naroon ang opisina ng pinaka President ng United Pharma. They are both pretty and young. Kinikilig pa.
Ano daw?
Mukha daw artista ang Presidente ng United Pharma. Napatingin ako sa Organizational Chart ng United Pharma na naka display sa may dulong bahagi ng maluwang na lobby. Agad na hinanap ng mga mata ko yung nasa pinaka itaas na bahagi ng organizational chart ng company.
Zacharias Martin Chen III, President.
I smirked. Pangalan pa nga lang mukha ng guapo. Na curious tuloy ako na makita kung sino yung sinasabi nila na guapong Presidente ng United Pharma. Saka bakit ang bata pa nito? Sabagay, mukha namang family owned ang company kaya malamang successor na ito marahil ng mga magulang.
Napatingin ako sa relo ko. Pasado alas kuwatro na pala! Lanya yan. Inabot pa ako ng hapon. Ako pa yata ang maiiwan dito.
Saktong alas kuwatro y medya naubos ang mga aplikante na na interbyu. Ako nga lang ang natira. Maya maya pa ay lumapit sa akin yung maganda at matangkad na babae na siyang nag a assist sa mga pharmacists.
"Hi Ms. Oliveros. I am so sorry to kepp you waiting, Ma'am Divina, the Manufacturing Manager is still at the meeting," apologetic na sabi nito.
I try not to show how disappointed I am. I try to smile.
"It's okay."
"However, Mr. Chen would be her replacement for this interview." agarang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko. Ma mi meeto ko din ang guapo at mukhang artista na Presidente NG United Pharma!