The Employer

124K 1.3K 56
                                    

Zach's POV

"Pang ilang supervisor nyo na ba ang nag re resign?  At hindi lang basta isa, halos sabay sabay silang nag re resign?  What's wrong with us?!" halos pahiyaw na sabi ko.  Kakagaling ko pa lamang sa isang mahabang bakasyon sa US at ito ang dadatnan ko pag uwi ko.  Wala na naman akong supervisor sa isang department.

Last month, dalawa sa pinakabagong hired na pharmacist ang nag resign din.  At ito nga ang pinaka huli.  Yun pa naman na department na siyang may pinakamadaming tao ang nawalan ng immediate superior.

Walang kumikibo sa mga managers na kaharap niya.  Maging ang ilang executive directors.  Tatlong taon na mula ng iapahawak sa akin ng aking nasirang ama ang isa sa pinakamalaking pharma company sa Pilipinas.  Kaka graduate pa lamang  ng college ini-o offer na sa akin ng Papa ang company pero mariing inayawan ko ito.  Bukod sa family business ito ng mga tiyuhin ko, it doesn't make me feel comfortable handling pharmacists.  Hindi naman kasi ako pharmacist kagaya ni Papa.  I took Business Management. Nag masteral pa ako sa ibang bansa hoping that I could use it on my own company.  Which I did.  I build up my own printing company, although maliit lamang but I was proud if it because it was mine, alone.

Hindi kagaya ng United Pharma na halos mga Chen at Tan ang nag ma may-ari.  Joined company ng pamilya ng Papa niya at ng pamilya ng Mama niya.  It's very complicated business especially if it is a joined venture.

Pero five years ago, my father was diagnosed with a cancer.  It was dark days for the family.  Dahil sa kabila ng sakit ng Papa he was very determined to run the business.  Tutal naman daw ay ayaw kong hawakan, it's better na siya na lamang sa kabila ng karamdaman.

I became guilty, and he didn't know that I already started to study the pharma company itself.  Paunti unti.  Until three years ago, just five months before he died I took over United Pharma.  He was very pleased at sapat na sa akin yon para pikit matang ipamahala ko sa iba ang pagpapatakbo ng One Printing.  

Noong una, nangapa ako but my mom helped me through with it.  Isa din sa pinakamatandang empleyado ng kompanya na pinagkakatiwalaan ng aking Papa, ang kanyang Senior VP na si Ms. Luisa Yu.  At sa loob nga ng tatlong taon naka survive ako managing the United Pharma.

With You (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon