Rome's POV
Napapatanga na lamang ako habang nakatingin sa manong driver na walang ginawa kung hindi pumik ap ng pumik ap ng pasahero! Sabagay, patay na oras nga naman eh kaso late na ako! Naku naman! Napatingin ako sa relo ko. Pasado ala dose y medya na. I have to be at United Pharma before 1 pm.
Kung bakit naman kasi ang bagal ko pang naligo kanina. Nagpilit pa kasi akong matapos yung scene ng Silent Hill. Wala rin naman, namatay din ako. Hays! Malas!
Sa wakas tumakbo din kami ng dire diretso. Kaso kung kelan malapit na sa intersection saka pa naman --------.
Ka--blagggggggggg!
Pakiramdam ko naalog ang utak ko sa biglang pag preno ng driver! Agad ang komosyon, nanlalaki ang mga mata ko ng makita na nasa harapan namin at konti na lang ang distansya ng isang abuhing kotse.
At hindi lang basta kotse!
Jaguar!
Bumaba yung driver ng sasakyan. Napaangat ang kilay ko, hindi lamang yung sasakyan nito ang expensive. Pati yung may ari. He is wearing simple white polo shirt with collar and slacks, his hair tousled but it does't lessen his proximity. Napakurap ako ng alisin nito ang shades na suot.
Agad na humingi ng dispensa ang driver ng sinasakyan ko. Nagmukha itong kaawa awa sa harap ng lalaking iyon. Nakita ko pa yung inis sa mukha nito habang sinisipat ang sasakyan. Naningkit na yung mga mata ko.
Wala naman galos ang mamahaling sasakyan nito pero nakita ko pa na inirereklamo nito ang parte na muntik ng mabangga ng jip.
Hindi ko sila marinig pero nakikita ko na natatakot na ang kaawa awang driver. Naiinip na rin ang mga pasahero sa loob ng sasakyan.
Inis na bumaba ako. Lumapit ako sa kanila. Hindi nila ako pansin.
"We need a police here," narinig kong sabi ng lalaking Chinese. Aba ini-english si Manong eh halata namang hindi nakakaintindi si manong driver.
"I don't think we need a police here!"
Napatingin na sila sa akin.
Nanlaki ang mga mata ni manong driver.
Kumunot ang noo ng chinese.
At naiinis na ako dahil late na ako!!
"And who are you?" may halong inis na sabi nito.
Tuluyan ng nasira ang pagtitimpi ko. Hinarap ko siya. Ang tangkad pala. Nahiya naman ang height kong nasa 5'3 lang. Pero nagtapang tapangan ako. Late na nga ako eh!
"Look mister! Wala naman sira yung mamahaling kotse mo eh, can you spare this poor guy from your scrutiny? Hindi naman niya kasalanan na muntikan ka na niyang mabangga! Eh ikaw itong basta basta papasok eh alam mo naman na pa diretso kami!" may halo kong gigil na sabi.
Napatanga ito sa akin. Nagsalubong ang makapal na kilay nito. "Ako pa ngayon ang may kasalanan! Eh kayo yung wala sa right lane! I was giving signal that I will enter the intersection pero dire diretso pa rin kayo!" galit na sabi na rin nito.
"Eh ma'am," tangkang sisingit yung manong driver pero agad akong nag salita.
"Hoy mister! Hindi komo mayaman ka at mahirap kami eh gaganyanin mo na kami! Pinapalala mo lang sitwasyon eh! Wala naman galos sasakyan mo!" sabi ko na sinipat sipat ang kotse nito. "O asan ang tama nyan ha? Wala naman ah!"
Agad na lumapit ang lalaki sa akin at tinuro ang isang maliit na gasgas. Napakurap pa ako kasi parang dumi lang.
"O anong tawag mo dyan? Are you that blind?" singhal nito.
Umismid ako. "Yan lang! Eh punasan lang yan wala na yan!" ingos ko. Nakakabanas itong lalaking ito. Saksakan ng arte!
Pinandilatan niya ako ng tsinitong mga mata niya. "You try if that suggestion will work on my car!"
Aba at naninghal na naman!
Natigil kami ng dumating na ang pulis.
Tiningnan niya muna ako ng matalim na tingin saka nakipagharap sa pulis. Napatingin ako relo ko pagkuway nanlaki ang mga mata! Ala una pasado na!
Takbo Rome! Kulang na lamang magkanbali ang 3 inch-shoes ko sa pagtakbo but it didn't matter! Late na ako! United Pharma andyan na ako!!!!!!!
Buwiset kasing chinese na yon! Nakuuu! Matuluyan sanang masira ang Jaguar mo!
Zach's POV
Inis na iniitsa ko ang susi ng kotse sa mesa bago pasalampak na naupo sa sofa ng opisina ko. Napatingin ako sa orasan. Almost 2 pm. Napahawak ako sa noo ko. Agad na nag inform sa intercom si Pam na kanina pa naka line up ang mga for interview na aplikante. I told Pam what happened. Natatawang inayos na lamang nito ang line up ng iterview.
Naalala ko ang babaeng sabungera. Kumunot ang noo ko. Bigla na lamang itong nawala. Malamang sumakay na ng ibang jip. Sa sobrang inis ko hindi na ako nag reklamo sa pulis na dumating. Gusto ko na lamang makaalis sa lugar na iyon!
Naalala ko yung sinabi noong sabungera.
Palibhasa daw chinese ako.
Mayaman.
Aba at! Ano naman kinalaman ng pagiging chinese ko at ng pagiging mayaman ko sa pagkakabangga ng kotse ko! May tama yata sa ulo ang babaeng iyon! Baka baliw na naisakay ni manong driver sa jip nito.
Pero hindi, sa klase ng suot nito---------. Napakunot ang noo ko, naka blouse na white at naka skirt hanggang tuhod, and with her sandals and portfolio mukha siyang may kliyente na haharapin.
Inis na pinalis ko iyon sa isip. Kung mamalasin ka nga naman na makasalamuha ng mga ganoong klaseng babae. Parang walang breeding lang.
Agad na pinatawag ko kay Pam ang naka set for interview. Mas pagtutuunan ko ng pansin ito kesa sa babaeng sabungera na yon. Nakaka irita talaga!
YEAR 2023 PROMO PREORDERING (FIRST TIME TO PRINT)
VISIT www.facebook.com/mechanicladypublication