3rd year :) 15yrs old 2010 pa :) super daming nangyari nun ang crush at love na love ko sa wakas mahal niya na rin ako :) kaso dito sa year na to nagsimulang tumira ako sa hospital araw araw nangangarap akong may bumisitang kahit isang classmate sakin pero wala eh! lagi na lang si Lawrence at puro family members na wala man lang kasi akong kaibigan na galing sa school dahil rin sa pagtira ko sa hospital hindi na rin ako gaano pumapasok ang saya di ba? si Lawrence rin ganun binabantayan niya lang ako lagi tapos nung na discharge ako pinayagan na akong gawin ang lahat ng gusto ko nakakapagtravel na kami dito sa philippines halos lahat napupuntahan ko na madalas rin ang pag punta namin sa iba ibang bansa sobrang saya :)
Natapos ang 3rd kong ng masaya kahit na walang friends at eto ako nasa vacation hihi :))
_________________________________________________________________
April.10.1011 nag sign up kami sa wattpad ni Lawrence nakakarelate kasi kame sa mga stories eh :)
May nabasa kaming story, story ni Mr.Akiyama at Ms.Fujiwara kaso nakalimutan namin ang title sa ilang araw ng paghahanap nakita rin namin at ang writer nung story na yun ay naging malapit sa amin :)
April.29.2011 naging fan niya kami :) si Lorraine at si Lawrence ay appreciate ng bongga ang story na iun for a certain reason :) at sa simpleng story na yun nagkaroon ako ng isang napaka buting kaibigan si "Rhio-chan" at nung araw na yun sobrang saya ko kasi nagkaroon ako ng first ever bestfriend na hindi ako niloloko hindi yung binayaran ng family ko para maging kaibigan ko kaya sobrang thankful ako nakilala ko siya :) tnx sissy :*
April.30.2011 si Rhio-chan ang kausap ko kasi tong si Lawrence tulog ng tulog amp talaga! >.<
- Pinagluto ko ng ulam at kanin si Lawrence akala ko matutuwa siya kaso sinabihan niya ng "paano ko kakainin yan" oo sige alam kong hindi ako marunong magluto kasi hindi naluto yung kanin tapos sunog pa yung mga prinito ko ikwinento ko yan kay rhio-chan sabihin ko daw "edi nguyain mo" sinabi ko naman haha! :) habang sinusubo niya ang pagkain todo tingin lang ako kung ngunguyain niya hihi! :)
- Habang kachat ko si Rhio-chan biglang nag low-bat yung laptop sakto ng pag low-bat ng katawan ko ang sabi ng doctor baka daw hindi ako nakakain ng maayos at kulang sa tulog pero alam ko sa sarili ko na hindi lang yun ang dahilan naisip ko na baka may sakit ulit ako
- Narinig ko si Lawrence na may kausap sa phone umiiyak siya at paulit ulit na sinsabing "mali kayo malakas siya at mabubuhay siya ng matagal" napaluha ako nun bigla bigla at naiisip na may posibilidad nga na baka mamatay ako ang sakit pala noh! lalo na pag alam mong pwede kang mawala kahit anong oras.
May.1.2011 naiisip ko pa rin yung mga narinig ko kaya nagpunta ko sa may beach tutal malapit naman yun bahay na tinitigilan namin eh!
- Pinanood ko ang pagsikat ng araw ang ganda talaga at naitanong ko sa sarili ko "ano kaya makakita pa ko ng ganito kagandang sunrise sa susunod na araw" napangiti lang ako sa sarili ko at alam ko nung mga oras na yun tumutulo na ang mga luha ko ang drama ko talaga!
- Bumalik ako sa kwarto namin ni Lawrence at galit na galit siya sakin "bakit ka ba bigla bigla nawawala" yun agad ang sinabi niya tapos napaupo na lang siya at umiiyak hindi ko kayang makita siya ng ganito ang saket saket :( buong araw kami hindi nagpansinan
- Tumawag si mama sakin sa Saturday(May.7.2011) daw pupunta na kami sa China pero ang alam ko dadalhin nila ko sa America para ipagamot "bakit ba halos lahat ng nakakasama ko araw araw nagsisinungaling sakin kaya ko namang tanggapin kung hanggang kailan ako eh"
- Nag kausap kami ni Rhio-chan at sinabi ko nga na galit sakin si Lawrence kausapin ko na daw :)
- Niyaya kong mag dinner si Lawrence sa may beach saktong papalubog ang araw nag picnik lang kami dun pero hindi niya pa rin ako kinakausap "Lawrence im sorry hindi na ko magsasabi ng mga bagay na makakasakit sayo yung mga bagay tungkol sa sakit na to alam kong madami ka na nagawa para saken kaya nga nahihiya na ko sa sarili ko ayoko maging pabigat sayo kase baka maging useless lang lahat alam naman nating pareho na kahit anong oras ........" umiiyak ako dun ng sobra sobra kasi hindi niya ko kinakausap bigla niya lang akong niyakap "Tama na mahal kita at kahit kailan hindi ka naging pabigat sakin"
Natapos ang Lq namin ng ganun at eto kame nagbabasa nga kung anu ano dito sa wattpad :)
![](https://img.wattpad.com/cover/250359-288-k141103.jpg)
BINABASA MO ANG
You and I (my diary)
Fiksi Remajastory ko po and my bf if hindi ko matapos siya magtutuloy :)