part 1"

5.5K 56 0
                                    

Hi. Ako nga pala si Dean Ezekiel Wong, I'm 20 years old. isang binatang maraming inaasam at pinapangarap, ngunit sa tingin ko ay hanggang pangarap na lang ito. Dahil di tulad ng iba na pinalad sa buhay, isa lang akong simpleng tao na ninirahan sa iskenitang puno ng kaguluhan pero masasabi kong maayos naman dito yun nga lang e kung minsan gigising kana lang ng puro sigawan ang maririnig mo sa labas o di kaya sa kapit bahay hehe.

Anak bumangon kana riyan at ng maka gayak ka ng maaga. rinig kong sabi ni inay, kaya naman dali dali nakong tumayo sa higaan at lumabas ng kwarto.


Magandang umaga nay. bati ko kay nanay na syang nag hahanda ng almusal.

Haynako ikaw talagang bata ka, anong oras kana naman umuwi kagabi. Alam mo namang ngayong araw ang punta mo sa Ateneo para kumuha ng exam. sabi ni nanay habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato.

Nay alam mo namang may trabaho po ako pag gabi diba. wala sa wisyong sabi ko kay inay.

Haynako kumain kana lng ng kumain riyan at ng maka tapos kana agad, mauuna na ako sa'yo Dean anak ha. mag iingat ka galingan mo sa pag exam mamaya. wika ni nanay habang kinukuha ang lahat ng paninda nya.

Sige nay ako na po ang bahala dito, mag iingat po kayo ha. pahabol kong sabi sa kanya.

Ngayong araw nga pala ang araw ng exam, kung nag tataka kayo para saan iyon ay para lang naman sa muli kong pag aaral. Pinilit ulit kasi ako ni inay na mag aral muli dahil sayang naman daw ang natutunan ko nuon. Lalo na ng narinig nyang may libreng scholar ang ateneo e halos araw araw nya na akong kinukulit noon, kaya naman wala narin akong nagawa kundi ang pumayag. Ito narin siguro ang mag aahon sami nila inay sa kahirapan.

Andito ako ngayon sa tapat ng ateneo sobrang daming tao ngayon dito. marahil ay mag eexam din sila para sa libreng scholar.

Agad agad na akong tumungo sa Ateneo at sobra kong napa mangha ng makita ko kung gaano kaganda ang campus na ito, masasabi kong mayayaman nga talaga ang mga nag aaral dito.

Ah good morning po sir, saan po ba dito pwede kumuha ng exam para sa libreng scholar? tanong ko sa lalaking naka tayo sa gilid ng puno.

mukang mayaman ito dahil sa pananamit pa lang nito ay makikita monang mayaman ito.

agad nya naman akong nilingon at tiningnan mula ulo hanggang paa, para bang hinuhusgahan nya ako HAHAHA

Kukuha ka ng exam para sa scholarship? tanong nya sa akin, bingi ba to? kakasabi ko lang kanina e.

Ah opo sir. sabi ko rito, at ang kulokoy tiningnan ako ng nakaka lokong tingin.

Sigurado kaba dude? ang kulit naman nito sinabi kona ngang kukuha e nag tanong pa kung sigurado ako hayss.

Ah eh opo, bakit po sir may mali po ba don? tanong ko dito, dahil parang di talaga sya naniniwala sa sinasabi ko.

Ahm wala naman, hindi lang ako makapaniwala dahil sa itsura mong yan hahaha. sabi nito sa'kin habang tumatawa, may mali ba sa itsura ko at ganun na lang kung di sya maka paniwala.

Ah eh sir may mali poba sa itsura ko? hehe. nahihiya kong tanong dito.

Huh e wala naman, masyado ka lang gwapo at maputi kaya nakapag tatakang mag eexam ka para sa scholar. sabi naman nito, ah kaya naman pala akala ko e may mali na sa akin hahah

Ah ganun po ba sir, akala ko po kasi e may mali na sa itsura ko hehe. sabi ko naman rito, agad naman syang napa iling.

hahaha di lang ako makapaniwala, tsaka wag mo nga akong tawaging sir i'm Timothy Carlos, tots for short. nice to meet you? lahad ng kamay nito sa akin.

Ah Dean po, Dean Ezekiel Wong. nice to meet you tots. sabi ko rito sabay abot sa kanyang kamay upang makipag shake hand.

Ah by the way doon sa tanong mo kanina, diretso ka lang jan sa may building A at pag nakita mo ung dean's office punta ka sa likod non, dun mo makikita ung building para sa mga kukuha ng exam sa scholar. sabi nito habang tinuturo ang daan sa'kin.

Ah sige salamat tots ah, pano mauna nako sa'yo at baka mawalan pako ng slot sa scholarship. ani ko rito habang tinitingnan at kinakabisado ang daan na tinutukoy nya.

Nako wala iyon, good luck sa pag exam dude. sigaw nito sa'kin dahil nag lalakad nako palayos sa kanya.

Heto na yon wala ng atrasan to. sabi ko sa sarili ko habang nag lalakad patungo sa likod ng dean's office.

Habang pumipila ako para kumuha ng exam sa scholarship sobrang daming pumapasok sa isip ko, unang una na rito ay ang sana maipasa ko ito para matupad kona yung pangarap ni inay at itay sa akin. Dahil alam kong kahit di sabihin sa'kin ni inay e alam kong pangarap nya paring makapag tapos ako at maka kuha ng magandang trabaho, kaya naman sisikapin kong maipasa ang exam nato ng isa ako sa mapa bilang sa scholarship.








----------

sana magustuhan nyo po itong story na to guys, first time ko lang po gagawa ng story hehe.

Iloveyou Since Day OneWhere stories live. Discover now