DEAN POV'
KINABUKASAN'
Halos mag hapon kaming nakatuon lng sa project dito sa site.
Naging busy kaming lahat kasi time to time kung i-check namin ang mga ginagawa ng construction worker namin.
Hapon na ngayon, at tulad ng pangako ko kay Jema ay pupunta kami ngayon sa lighthouse.
Medjo may kalayuan dito yon kaya ng hiram ako ng motor sa isa sa mga tauhan namin dito.
Habang nag lalakad ako papunta kay Jema ay nakasalubong ko naman si Ellie.
Dean, nag paalam sa'kin kagabi si Jema.. pumayag naman ako sa kanya, ingatan mona lang ha. Sabi nito sa'kin sabay ngiti
Wag kang mag alala, dahil tulad ng pag iingat ko sa kanya noon ay iingatan ko parin ito ngayon.. kahit nasa sa'yo na siya.
Sige dude, thank you nga pala sa pag payag mo.. don't worry saglit lang din kami don. Sabi ko naman dito sabay ngiti
Tumango lang naman ito sa'kin at umalis na.
Kaya naman pumunta nako kay Jema.
Jema! Tawag ko dito
Agad naman itong humarap sa'kin.. pero parang nag slow mo naman ito sa paningin ko.
Iba parin talaga ang gandang taglay nito.
Oh Dean, pupunta naba tayo? Tanong naman nito sa'kin
Yup, by the way mag mo-motor lang pala tayo ah. Sabi ko naman dito
Nakita ko namang napa ngiti ito... Hmm, maybe gusto niya ring mag motor.
Sige, mas okay nga yon. Naka ngiting sabi nito sa'kin
Napa ngiti naman ako ng dahil dito.
So, ano tara na? Tanong ko naman sa kanya
Naka ngiti naman itong tumango sa'kin.
Kaya naman nag lakad na kami papunta sa motor.
Nang makarating kami kung saan naka park ang motor ay agad akong sumakay dito.. naramdaman ko rin namang sumakay na si Jema. Napa ngiti naman ako ng maramdaman ko ang mga kamay nito sa bewang ko.
Habang nah da drive ako ay hindi ko mapigilang hindi mapa ngiti.
Sobrang na miss ko rin kasi ang pag mo-motor.
Na miss mo mag motor noh? Tanong naman ni Jema sa'kin
Oo, sa U.S kasi di naman ako nakakapag motor don. Sabi ko naman dito
Nakita ko naman sa salamin na napa tango tango ito.
Nang maka rating kami malapit sa lighthouse ay ipinarada kona ang motor.
Ang ganda... Rinig kong sabi ni Jema
Sino ba naman kasing hindi magagandahan sa view na ito.
YOU ARE READING
Iloveyou Since Day One
FanfictionGawong Story ang story na ito ay gawa gawa lamang ng mga imahinasyon.