Part 40"

1.5K 56 22
                                    

DEAN POV'

Habang chine-check ko ang ginagawa ng mga construction worker namin ay mapansin ko namang nag iisa si Jema malapit sa tabing dagat.

Ano kayang ginagawa non?

Lapitan ko kaya??

Kaso baka mamaya hindi lang ako kausapin non. Pero wala naman sigurong masama kung lalapitan ko siya?

Ay bahala na nga.

Nag umpisa naman na akong mag lakad papunta sa kanya. Habang nag lalakad ako ay tinitingnan ko kung nasaan ang mga kasama namin kaso mukang wala sila dito.

Mas okay narin yon, baka mamaya ay ano pang isipin ng mga yon eh.

Nang malapitan ko ito ay na upo naman ako sa tabi niya.

Hi! Sabi ko dito sabay ngiti

Nakita ko namang nagulat pa ito dahil sa'kin.. pero tipid rin naman itong ngumiti sa'kin.

Anong ginagawa mo dito? Tanong ko sa kanya

Pinag mamasdan ko lang naman ito habang naka tingin siya sa kawalan.

Wala, gusto ko lang mag pahinga.. ang sarap palang pag masdan ng dagat noh. Sabi nito sa'kin

Tiningnan ko naman ang karagatan, tama siya masarap nga itong pag masdan.

Oo, alam moba nung araw na gabi nako naka uwi ay halos naka tingin lang din ako non sa dagat.. ang ganda din don. Sabi ko naman dito habang naka ngiti

Napansin ko naman saglit itong napa tingin sa'kin.

Talaga? Saan ba yun? Tanong pa nito sa'kin

What if puntahan namin bukas yon? Hmm wala naman sigurong masama eh.

Secret haha. Pang aasar ko dito

Hinampas naman ako nito sa braso.

Araw ha. Sabi ko dito habang hawak ang braso ko

Ikaw kasi eh, tinatanong ko lang naman may pa secret secret kapa jan. Sabi naman nito sa'kin sabay irap

Lihim naman akong natawa dahil dito.. ang cute niya talaga pag naiinis.

Haha sorry na, gusto moba puntahan natin bukas yon? Tanong ko naman sa kanya

Nakita ko namang napa tingin ulit ito sa'kin.

Talaga? Tanong nito sa'kin

Halata sa boses nito ang excitement.

Oo naman, gusto moba? Sabi kopa dito

Sige, promise mo yan ha.. bukas pupunta tayo don. Parang batang sabi nito sa'kin

Lihim naman akong napa ngiti ng dahil sa inasta nito.

Hayy, kahit manlang bukas ay maranasan kong akin ka.. at akong ang dahilan ng kasiyahan mo...

Opo promise, bukas ng hapon pupunta tayo don. Sabi ko sa kanya

Kahit di ko ito tingnan ay alam kong masaya ito.

Masaya ako dahil kahit papano ay ako ang dahilan ng mga ngiti mo.

Iloveyou Since Day OneWhere stories live. Discover now