Part 44"

1.8K 50 9
                                    

After one month'

DEAN POV'

Hayyy, sa wakas makalipas ang isang buwan ay nakabalik na ulit ako dito sa Pilipinas..

Matapos kasi naming maka uwi noon galing Batanes ay agad rin akong nag paalam kila Nanay na babalik na muna ako ng US.

Ngayon ay bumalik lang ako dito para masaksihang ikasal ang babaeng ni minsan ay hindi nawalan ng lugar sa puso ko..

Ewan koba, kung bakit kailangan kopang pumunta don.. kahit na alam ko naman sa sarili kong masasaktan lang akong makitang ikinikasal siya sa iba at hindi sa akin.

Mamayang five pa naman ng hapon ang kasal niya.. beach wedding kasi ang gusto nila.

Gusto daw kasi nilang masaksihan ang pag lubog ng araw habang ikinakasal sila.

Di ba parang ang corny? haha biro lang ang bitter ko lang pala :)

Hi Dude. Bati ni Bei sa'kin kasama niya pala si Tots

Nandito kasi ako sa bahay namin sa Tagaytay.. gusto ko munang makasama sila Nanay.

Anong ginagawa niyo dito? Mang gugulo lang kayo samin eh. Pag bibiro ko sa kanila

Nakita ko namang napa nguso ang mga ito.. hindi ko naman mapigilang hindi matawa.

Sige lang, mag pakasaya ka lang ngayon kasi mamaya libo libong luha ang lalabas jan sa mata mo haha. Sabi naman ni Tots sa'kin

Aba loko to ha, hindi kona nga masyadong inaalala sa ngayon yon eh.

Nakita ko namang binatukan ito ni Bei.

Ikaw talaga Tots, mamaya eh palayasin pa tayo nitong si Dean. Sabi naman ni Bei sa'kin sabay akbay

Napa ngisi lang naman ako dito.

Loko! Di ba dapat nandon kayo sa La Union kasama ni Ellie? Eh bakit nandito kayo sa'kin at nanggugulo? Sabi ko naman dito

Nakita ko namang napa ngiwi ito.

Totoo naman eh..

Ano kaba, nag paalam kami na may pupuntahan lang muna kami nitong si Tots.. tsaka na miss ka kaya namin kahit na isang buwan ka palang nawala noh. Sabi nito sa'kin

Tumango tango lang naman ako dito.. kahit ako naman ay namiss din silang dalawa ni Tots.

So ni-ready mona ba ang sarili mo para mamaya? Dean, hindi mo naman kailangan pumunta doon... Sabi naman ni Tots sa'kin

Alam kong nag aalala lang ang mga ito sa'kin... Mapilit din naman kasi ako eh.

Dude ano ba kayo, yun ung araw na pinaka masaya si Jema tapos hindi ko manlang siya masasaksihan.. oo mahirap at masakit pero wala eh mahal ko eh at handa akong makita siyang ikasal kahit na hindi sa'kin... Sabi ko naman sa kanilang dalawa.

Napa hinga naman ito ng malalim. Alam rin kasi nilang hindi naman na nipa ako mapipigilan.

Oh sige, basta sa oras na hindi mona kaya at nahihirapan kana.. umalis kana. Sabi pa ni Tots sa'kin

Tipid naman akong ngumiti at tumango dito.

Kakayanin ko lahat para sa'yo Jema.. kakayanin ko kahit masakit.

Naramdaman ko namang lumapit sa'kin ung dalawa at niyakap ako nito..

Nandito lang kami para sa'yo Dean.. sa oras na feeling mo wala kanang karamay sa lahat ng sakit na nararamdaman mo lagi mong tatandaan na nandito kami ni Tots para sa'yo... Sabi ni Bei sa'kin

Iloveyou Since Day OneWhere stories live. Discover now