Kasabay ng mabilis na takbo ng sinasakyan kong motor ay ang pagsalubong ng malamig na simoy ng hangin.
"Pwede ka bang magdahan dahan?" Ika ko sa lalakeng nasa unahan ko na s'yang nagmamaneho ng sinasakyan naming motorsiklo.
"Mabagal na 'tong takbo ko, masyado ka naman matatakutin." Tugon naman ng lalake sa unahan ko na Hindi ko halos marinig dahil sa pag takbo ng sinasakyan namin. " Yakap ka sa'kin." Pahiyaw nitong ika sa'kin para marinig ko ang sinasabi n'ya.
Hindi ko s'ya pinansin. Nakasuot s'ya ng itim na leather jacket, naka maong, nakasapatos. Hindi ko masilip kung anong itsura n'ya dahil nasa likuran n'ya ako't nakasuot pa s'ya ng helmet. Pero pakiramdam ko, matagal ko na s'yang kakilala.
"H'wag kang matakot, hindi kita ipapahamak." Pabulyaw n'ya uling ika.
Sa totoo lang, hindi ko hilig ang pagsakay ng motor. Kahit nga pagmamaneho ni minsan 'di ko sinubukang tangkain na pag aralan. Bukod Kase sa mabilis ay takaw rin sa aksidente. Kaya nandun ang takot ko kapag angkas ako ng motor kahit na sino pa ang nagmamaneho.
Hindi ko alam kung nasaan kami. Ang nakikita ko lang sa daan ay puro puno na may naglalaglagang dahon na sumasabay sa pag ihip ng hangin. Walang ibang sasakyang nadaan sa kalsada sa hindi ko matukoy na lugar. Kulay kahel na ang langit dahil papalubog na rin ang araw. Parang ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong lugar. Tahimik at maaliwalas. Pakiramdam ko, para akong papunta sa paraiso.
Kasabay ng pag iisip ko, hindi ko na namalayan ang pag galaw kusa ng mga braso ko. Yumakap ako sa taong nagmamaneho ng motor na sinasakyan ko. Pakiramdam ko, ligtas ako sa kanya. Sobrang higpit ng yakap ko na parang ito palang ang unang beses na meron akong niyakap na ibang tao. Kakaiba rin ang pag tibok ng puso ko. Sobrang bilis at naririnig ko na halos. Nakadikit rin sa likuran ng nagmamaneho ng sasakyan ang ulo ko na parang batang ayaw mawalay sa magulang. Parang... Ayoko na s'yang pakawalan sa higpit ng yakap ko.
"Sarap naman ng yakap na 'yan hehe." Narinig kong sinabi ng lalakeng nagmamaneho. Hindi ako sumagot at sinulit ko ang mga oras ko na 'yon sa pagkakayakap ko sa kanya.
Ang nananaig kong takot kanina, ngayon, wala na.
Kanina pa ako nakasakay sa kanya pero hindi ko maalala kung ano nga ba ang pangalan ng lalakeng yakap-yakap ko. Hindi ko maalala kung sino nga ba s'ya. Ni-hindi ko rin alam kung sa'n ba kami patungo. Pero isa lang ang alam ko, masaya ako na kasama ko s'ya.
Umabot rin sa kalahating oras ang pagbyahe namin noong huminto kami. Nilibot ko ng tingin ang paligid ko. Puro pa din puno, pero may pwesto kami kung saan natatanaw namin ang lawa ng Taal. Sa kinatatayuan namin, halos kakakulay na ng kahel na langit ang tubig sa lawa dahil sa papalubog na araw. Ang ganda tignan.
Hinubad ko ang helmet ko para mapagmasdan ang nakakabighaning tanawin. Sobrang ganda. Halos ayoko ng alisin ang tingin ko.
"Ang ganda noh?" Sabi ng lalakeng kasama ko.
"Oo... Sobrang ganda." Halos tulala pa rin ako sa nakikita ko. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling 'tong sobrang tuwang nararamdaman ko. Ito ba'y dahil sa ganda ng tanawing nakikita ko o dahil nandito ako kasama ang isang taong nagdala sakin para masaksihan ang napaka gandang tanawing ito.
"Bukod sa tanawin na 'yan, mas natutulala pa rin ako sa mga ngiti mo." Narinig kong tinig ng lalakeng kasama ko. Napatingin ako sa kasama ko dahil gusto ko rin makita ang itsura n'ya. Katulad kanina, wala akong kaide-ideya kung sino nga ba ang kasama ko. Kinuha n'ya ang isang kamay ko at hinawakan ng dalawa n'yang kamay. "Pwede ko bang hilingin sa'yo na makita ko 'yang ngiti mo araw-araw?" Sabi ng lalakeng tinititigan ko sa mata. Punong puno ng sinseridad, punong puno ng pagsusumamo at pagmamahal. Sobrang amo ng mukha n'ya. Ang mapungay n'yang mata na mas lalong pinapatingkad ng papalubog na araw, ang matangos n'yang ilong, makapal n'yang kilay, manipis at mapupula n'yang labi at napaka amo n'yang mukha. Ngunit sa kabila noon, hindi ko maalala kung sino nga ba s'ya.
"Oo." Biglang lumabas sa labi ko. Dulot na rin ng bugso ng damdamin ko. Kasabay ng pagtibok ng puso ko ay s'yang pag takas ng nangingilid kong luga dahil sa tuwa. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to pero hindi ko mapigilan.
Ngumiti ang lalakeng hawak hawak ang kamay ko at s'ya ring hahawak na ng puso ko, nangingilid na rin ang mga luha n'ya noong dahan dahan n'yang ilapit ang mukha n'ya sa mukha ko.
Sobrang bilis ng pagpintig ng puso ko. Wala rin mapagsidlan sa tuwa ang nararamdaman ko. Hanggang sa napapikit ako kasabay ng pagdampi ng labi namin sa isa't isa-------
+++++++++++++++
*Phone Alarm Sound*Nagising ako sa reyalidad noong mag alarm ang cellphone ko sa tabi ng unan ko. Kinuha ko agad iyon para i-off ang alarm. 6am na. Binaba ko 'yon at nanatili sa pagkakahiga. Dinama ko muna ang malambot kong kama kasabay ng malamig na ihip ng electric fan. Nakatingin lang ako sa kisame at tumulala muna saglit.
"Panaginip lang pala."
BINABASA MO ANG
Once Upon a Dream
RomanceSinasabi ng karamihan, kabaligtaran ng totoong mundo ang mga panaginip. Hindi nangyayare sa totong mundo lahat ng napapanaginipan mo. E, paano kung sa paniginip mo unang matatagpuan ang taong hindi mo inaasahang mamahalin mo ng buo at tapat? At paan...