PANGALAWANG PAHINA

0 0 0
                                    

"Gab's POV"

"HAAAAYYY...." Ika ko na may kasamang pag uunat ng mga braso sa ere pagkagising ko ng umaga. Nanatiling tulala Muna habang nakaupo sa kama at pilit na ginising ang diwa.

Isang umaga na naman, bagong araw, tumanda na naman ako ng isang araw na ganito nalang palagi. Mag isa. Napahikab ulit ako sa pag iisip.

Iniligpit at inayos ko muna ang higaan ko bago lumabas ng kwarto. Ala-Sais pa lang naman ng umaga. Maaga pa. 8am pa naman ang pasok ko, sakto, weekend bukas kaya makakapag pahinga ako. Isa pa, natapos ko naman na rin ang pinapagawa sakin ng boss ko kahapon so I'm expecting na wala ako masyadong gagawin today.

Nagsalang muna ako sa stove ng tubig para makapag timpla ng tsaa. Well, I'm sorry wala akong water dispenser kaya matic talaga mag pakulo ng tubig. Hindi tayo RK. Habang Hindi pa kumukulo ang tubig, naisip ko na lumabas Muna saglit para bumili ng pandesal at pampalaman. Pagbalik ko, panigurado kulo na 'yung tubig na sinalang ko.

Dala ang wallet at cellphone ko, lumabas at bumaba ako ng apartment unit ko patungo sa bilihan ng pandesal. Sisikat palang ang araw at malamig pa ang hangin sa labas ng mga ganitong oras. Pero hindi lang naman ako ang nagising ng mga dahil may ilan ilan na rin akong nakikitang nakagayak na para pumunta sa trabaho at mga kanya kanyang lakad. For sure mas maaga pa silang nagising kesa sakin. Advantage din talaga para sa kagaya Kong nagtatrabaho ang work-from-home set-up,'di obligado gumising ng sobrang aga.

Sakto naman ang pag dating ko sa bilihan ng pandesal, walang pila. Madalas Kase ganito kaaga 4 o 5 tao na na ang nakapila dito eh. Masarap kase pandesal nila, bukod sa malasa, malalaman. Karamihan kase sa mga nag bebenta ng pandesal mahangin lang. Oo,medyo pricey pandesal nila dito, kase sa iba 2 pesos ata per pandesal dito 3 pesos, kase mahal na mga ginagamit nila sa pag gawa. But it's okay kung worth it naman ang masarap. Hindi sila bakery actually, talagang pandesal lang itinitinda nila. Pero may iba ibang pamimilian naman. May regular, may malunggay, at cheesy pandesal. Promise, ang sarap. Madalas, sold out sila wala pang 8 ng umaga.

"Yes, pogi, gud morning" Bati sakin ni Ate Monika, isang ginang na nasa mid 40s na ang dead, chubby chubby , madalas nakangiti at masigla habang suot ang hairnet at apron nya kapag napunta ako dito. Kasama nya dito ang Asawa nya. Silang dalawa ang nagpapatakbo ng pandesalan na sila mismo ang may ari.

"Good morning po ate." Nakangiti ko rin pag bati, " pabili po ate, 30 pesos, 'yung regular tsaka coco jam ulit. Naubos ko na 'yung nabili ko sa Inyo last week eh."

"Ay heheh Sige sige, buti nakaabot ka pa, last na rin tong coco jam na nandito. Puro peanut butter nalang natira." Nakangiting nyang sagot bago nya Kunin ang coco jam na nasa estante nila sa kanyang likuran. Samantalang ang asawa nya naman ang kumuha ng order ko.

Bukod Kase sa pandesal, nagbebenta rin sila ng pampalan. Meron silang peanut butter at coco jam na homemade at sobrang sarap promise. Pero meron din naman silang ibang palaman na tinitinda cheese, mayo, etc.

"Buti nakaabot ako haha." Tugon ko naman na may halong tuwa sa tono.

"Oo, eh, baka mamaya palang gagawa kami ng asawa ko ng coco jam. Mamimili palang kami ng mga sangkap mamaya din." Ika naman ni Kuya Jepjep na nasa mid 40s nya na rin, kagaya ng asawa nyang si Ate Monica, palangiti at palabiro sya, kahit halata na ang uban sa ulo nya, Hindi mo aakalain na nasa 40s na sya. Sabi nga nila, nakakabata daw talaga kapag madalas kang masaya't nakangiti.

Inabot ni Kuya Jepjep ang brown bag na may lamang mga pandesal sa asawa n'ya bago naman ito ibalot ni Ate Monica sa plastic kasama ang coco jam na binili ko. Inabot ko naman ang bayad at nag hintay saglit ng sukli. Habang nag hihintay, napatingin ako sa likod ko nung maramdaman ko na meron na palang ibang nakapili. At sa 'di inaasahang pagkakataon, tignan mo nga naman kung sinong nasa likuran ko. 'Yung isa sa mga bumbero kahapon na nagpapaharurot ng motor nila kahapon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon