Unang Pahina

2 0 0
                                    

'Gab's POV'

"Mister Cruz? Can we expect this by tomorrow?" Tanong ng boss ko thru zoom meeting.

"Absolutely, Sir. " Masigla ko namang tugon.

"Good. Now, if there's nothing else, we can back to work now everyone." Huling sinabi ng boss namin bago kami magpaalam sa isa't isa at mag end ng zoom meeting.

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at pumunta ng kusina para kumuha ng malamig na tubig sa ref. Another day na puro trabaho na naman. Well, good thing I am working at home. Home set-up ang trabaho ko way back nung nagkapandemic and after pandemic, napag desisyunan na ng mga boss namin na mag work-from-home nalang for the safety of their employees. After the pandemic 'di na rin nila inalis dahil mas komportable at mas nakakapag trabaho kami ng mas maayos. Well, Hindi naman sa lahat siguro effective pero sa'kin oo. Mas okay ako sa home set-up kesa onsite. Mas chill, less stress, at tipid dahil nasa bahay, hindi na magko-commute papuntang trabaho.

12noon na, tanghali. Bilis ng oras kapag nagtatrabaho. Buti nalang maaga palang nakapag saing na ako kaya ulam nalang po-problemahin ko. I looked inside my ref to check what can I have for lunch 'yung easy lang sana lutuin, kaso wala. Talagang matrabaho magluto at mabagal ako magluto haha. Welp, alam ko na gagawin ko nento, bibili ng lutong ulam nalang.

I grabbed my wallet on the top of my working table sa sala before I wore my facemask. Oo, 'di naman na "required" na mag facemask kapag lalabas pero within 2 years sa pandemic mas sanay na akong nakafacemask, I'm not introvert, 'di ako anti-social na tao, baka isipin nyo - anyways, lumabas na ako ng apartment na inuupahan ko. Yes, inuupahan. At may age of 25 I'm already independent male guy working here sa NCR. Taga Cavite talaga family ko at lumaki ako sa Cavite. Pero nung nag college ako, dito na ako sa Manila nag aral and after college I decided na dito nalang rin magtrabaho tutal mas maraming opportunity akong nakita dito. I'm single? Yes,opo. Single po. Kung tatanong nyo kung bakit? Wala lang haha. No,really. Marami akong friends na may couple, workmates na may mga jowa na, asawa na, may mga anak na, 'yung iba nakadalawang asawa na 'yung iba dala-dalawa pa jowa, mapapasana all ka nalang talaga.

In my part, hindi naman ako bitter, I'm open for relationship pero 'di ako 'yung tipong maghahanap sa social media or may makita lang na type ko gusto ko ng jowain. No, I'm not that type of guy. Hindi naman ako maarte, tall, short, skinny, chubby, etc. Oks lang. Pero may specific type din naman ako nuh.

Sa babae, gusto ko 'yung maasikaso, maputi, long hair, maamo mukha, sexy, mahinhin, masarap magluto.

Sa lalaki naman, gusto ko matangkad, bulky yummy, Moreno o maputi, makapal kilay, maalaga, masarap magluto. Opo, masarap magluto, turn on talaga ako kapag marunong o masarap magluto. 'Di ako magpapakaplastik sa mga type ko 'yun na 'yon. Pero 'di naman ganun palagi ang tadhana, minsan, kung sino pa 'yung imposible at hindi mo inaasahan s'ya pa makakatuluyan mo kahit malayong malayo sa mga tipo mo.

At opo! Parte po tayo ng bahaghari nation.

Hindi ko na ikukwento kung paano ko nadiskobre na nagkakagusto pala ako sa kapwa ko lalake. Nagising nalang ako one-day may crush na akong classmate kong lalake nung highschool. The end.

May mga nagkakagusto naman sa'kin noon kahit nung nag aaral ako lalo na nung college. Pero that time Kase nakafocus lang ako sa studies at 'di ko trip makipag relasyon. Wala sa isip ko 'yon. Hindi naman rin ako easy to get. Nuka hilo? Hindi rin naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, may itsura din naman ako. Medyo maputi, medyo chinito, medyo matangkad, medyo makapal ang kilay,medyo may itsura, in short, medyo mukhang tao naman ako.

Ilang hakbang lang mula sa apartment ko ay nakarating na ako sa malapit na kainan dito sa'min. Matao rin dito minsan dahil masasarap talaga luto nila. Malinis pa ang pwesto at mabilis pa ang service, daig pa fastfood. Maaliwalas pa dahil open ang area ng karinderya nila.

Once Upon a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon