5.

149 10 2
                                    

5. Now, It ends.

Marami tayong pagkakamali, lalo na sa larangan ng pag-ibig. Hindi naman mawawala yan diba? Lalo na at pagnagmahal tayo, puso ang ginagamit natin at hindi ang utak natin. kaya minsan, sa hindi nating inaasahang pangyayari.. Nasasaktan tayo ng sobra dahil nagmamahal din tayo ng sobra.

Tama, si Carina.. Nagmahal.. Nasaktan..

Pero sumubok ulit siya na magmahal sa taong sinaktan na siya.

LOVE IS TAKING RISK. Sabi nga nila, sugal ang pag-ibig. Bakit hindi? Pagnagmahal ka, hindi mo na iniisip kung sasaya ka ba sa taong ito, tatawa, iiyak, malulungkot o magagalit. Pag nagmahal kasi ang isang tao, isineset aside niya na lahat ng negative.. Positive na lang ang iniisip nito.

LOVE IS PRIDE. Pride? Ano nga ba ang pride? Patigasan ba yan ng ulo? Lahat naman ng tao ma-pride e. Lalo na sa Pag-ibig. Merong mga tao na dahil sa pride na yan, nakakagawa ng maling desisyon sa buhay. Alam niyo ba yung movie ni Robin at Regine? Yung kailangan ko’y ikaw? kung hindi pa panuorin mo. Example yun ng pride. haha.

Si Carina, Masasabi natin na naging ma-pride din siya. Umasa siya na totoo ang mga sinabi sa kaniya ni Nigel. Pero dahil sa katotohanang hindi pala iyon totoo, kinimkim niya iyon sa pag-asang magbabago pa si Nigel.

“Philip! Ano ka ba naman! Hindi pa ako manganganak!!” Sigaw na sabi ni Carina.

“Huh? hindi pa ba? Ikaw kasi e. sumisigaw ka na dyan, hindi pa nga nanganganak..”

“Aish! Ikaw talaga.Masyado kang excited.” Natatawang sabi ni Carina sa asawa. Sino nga ba ang mag-aakala na magiging sila ni Philip? Na magiging masaya siya katulad nito..

“Ano na naman yang iniisip mo?” Tanong ni Philip at pinisil ang ilong ng asawa. “Pinagnanasaan mo na naman ako no?”

“Huh?” Tumawa si Carina. “Pinagnanasaan kita? Ang kapal mo. Hahaha..”

“Asus.. pasimple ka pa dyan.”

“Haha.. Alam mo, nagpapasalamat talaga ako kay nigel.”

Sumimangot si Philip. “Bakit naman kailangan mo pang magpasalamat sa lalaking yon? sinaktan ka ng gagong yun!”

“Gusto ko pa ring magpasalamat kasi kung hindi niya ako sinaktan.. hindi ko sana binaling ang atensyon ko sayo at minahal ka ng buong puso..”

“ahh.. kailangan nga nating magpasalamat sa kaniya..” at sabay pang tumawa ang dalawa.

Sinong may sabi na kapag nabigo ka sa una mong pag-ibig, hindi ka na pwedeng magmahal ulit? We all deserve a second chance. Kahit na mabigo tayo ng paulit-ulit, may karapatan pa rin tayong magmahal.

And this is how it ends (^________^)V

Situation Of He and SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon