2.

122 11 2
                                    

2. She Cries

Agad na tumakbo palayo sa lugar na iyon si Carina pero dinig na dinig niya ang sigaw nang mga barkada ni Nigel.

“CARINA!”

“Tae! Nigel yung syota mo!”

“Nigel! Habulin mo si Carina!”

Hindi niya na narinig pa ang iba dahil nakalabas na siya nang Bar. Ang sakit-sakit nang pakiramdam niya. Hindi totoong sumakit ang ulo nito. Talagang umalis ito nang school kahit na sinabi nito sa kaniya na maghintay siya. Hindi din totoong nasa bahay na ito. Ni hindi pa nga ito nakapagpalit dahil naka-uniform pa ito.

Bakit kailangan nitong magsinungaling sa kaniya?

Bakit kailangan siyang masaktan ng ganito?

Wala naman siyang ginawang masama ah..

Minamahal niya ito pero bakit siya kailangang masaktan?

Bakit??

“Carina!” dinig na dinig niya ang humahangos nitong boses pero hindi siya lumingon. Ayaw niyang makita nito na nasasaktan siya.

Hinawakan nito ang braso niya.

“Carina, I can explain.”

Pero hindi pa rin siya humaharap dito. Nanatili siyang nakayuko at umiiyak.

“Carina.” He caressed her face then wipes the tears that keep running through her cheeks. Iniangat nito ang mukha niya. Their eyes meet.

“I’m sorry.”

“Sabi mo masakit ang ulo mo? pero.. pero bakit nandito ka? Bakit mo ginawa yun?”

Hindi ito sumagot.

“Naniwala ako sayo e, Kahit na nagmukha na akong tanga kaka-antay sayo sa school. Ininda ko yun kasi sabi mo maghintay ako, pero naghintay lang ako saw ala tapos makikita kita dito na may kahalikang babae!!”

“Sorry..”

Kumalas siya sa pagkakayakap mula dito.

“Look how guilty you are… because you keep on saying sorry.”

“I really am sorry.”

“Huwag muna tayong magkita..”

“WHAT!?”

“Maghiwalay muna tayo..” Alam ko, bigla itong desisyon ko pero wala akong magagawa. Ang sakit malaman na kaya kang pagsinungalingan at lokohin nang lalaking mahal mo.

“Dahil lang sa isang pagkakamali ko, gusto mo na maghiwalay tayo!!?”

“This would never have happened if you been honest in the first place.” Saka siya pumara at sumakay nang taxi. Habang nasa Taxi siya ay iyak lang siya ng iyak. Parang lahat na nang tubig mula sa kaniyang katawan ay gusto nang lumabas.

Tama man o mali ang desisyon niya ay kailangan niyang panindigan iyon.  Nang gabing bumalik siya sa boarding house ay sinalubong siya ni Eri na kanina pa pala tumatawag sa kaniya.

“Girl, anong nangyare? bakit namumugto yang mata mo?”

“Break na kami..”

“ANO? Pero monthsary niyo ngayon diba?”

Hindi na napigilan pa ni Carina at umiyak na naman siya. Kwinento niya lahat nang nangyari at kung ano ang nakita niya sa bar.

“Pakshet!! Ginawa niya yon? ABA! Tarantadong yon! Sabi ko sa kaniya na wag kang sasaktan e. TSK TSK! lagot siya sa akin bukas!!” galit na galit na bulalas ni Eri. Sa totoo lang ay hindi boto si Erik ay Nigel, bukod kasi sa mga katangiang taglay ng binata ay hindi pa nakita ni Erin a magseryoso ito. Kaya nga masaya siya nung umabot na nang isang buwan si Nigel at Carina. Dalawang linggo lang kasi ang itinatagal ng mga nagiging girlfriends ni Nigel.

“Huwag na Eri. Ako na yung nakipaghiwalay e. Tama naman siguro na maghiwalay kami. Hindi naman talaga ako bagay sa kaniya diba?”

Nilapitan ni Eri ang kaibigan. “Wag ka nang umiyak. He don’t deserve any of your tears. Tama na hah..”

Pero patuloy pa rin sa pag-iyak si Carina. Tama nga ba ang desisyon niya?

Situation Of He and SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon