1.

232 10 1
                                    

1. He lies

Sa dinami-dami ng mga nanliligaw kay Carina ay si Nigel ang pinili niya. Well, sino ba naman ang hindi pipili sa mayamang binata? Bukod na sa makisig ay talaga namang binayayan ng kagwapuhang taglay. Wala na ngang mahihiling pa si Carina dahil mahal na mahal siya nang binata at gayundin naman siya dito. Mahal na mahal niya ang binata. Sinagot niya nga iba? Syempre naman Mahal niya ito.

College na silang dalawa at pareho pang BSBA, Management of Financial Management.

Sa totoo lang, marami ang naiinggit kay Carina dahil nga ang gwapo ng boyfriend niya. ABA! natural na yan. Yung pag-usapan ka sa buong campus dahil lang sa naging jowa mo yung pinaka-popular na lalaki at nag-aantay sila ng opportunity na siraan ka.

Ganyan ang nararamdaman ni Carina. Na simula nung maging sila ni Nigel, lagi na siyang nag-iingat kasi natatakot siya na may masabi sa kaniya ang ibang tao.

“Girl, hindi mo naman kailangang gawin yan. Be proud! Mahal ka niya, at kahit may mali ka pa o whatsoever, tatanggapin ka pa rin niya.” sabi ni Eri, ang matalik na kaibigan ni Carina.

“Pero girl naman e.. ang sakit kaya sa pakiramdam na tuwing maglalakad ako kasama siya ang sama makatitig nung mga nadadaanan naming babae.” nalulungkot na sabi naman ni Carina.

“Ano ka ba naman! Inggit lang sayo yang mga babae na yan kasi ikaw ang pinili ni Nigel sa lahat ng magagandang babae dito sa campus and take note, mahal na mahal ka niya ng bonggang-bongga so cheer up na hah..”

“Thanks talaga girl ah. Ikaw lang talaga yung taong laging nandyan para sa akin.”

“Para saan pa ang friendship girl kung hindi kita tutulungan?”

Nagyakap ang dalawa. Dahil sa sinabi nang kaibigan ay napanatag na ang loob ni Carina. Dapat nga ay huwag na siyang mag-alala pa dahil siya ang pinili ni Nigel, siya lang at wala nang iba. Wala naman nang magagawa ang mga babaeng kung titigan siya ay parang gusto na siyang patayin dahil SIYA LANG ANG MAHAL NI NIGEL!

Naghihintay si Carina nang hapon na iyon. 3rd monthsary na kasi nila ni Nigel. Ang sabi nito ay maghintay siya sa tagpuan nila which is the tree beside the park of their school. Syempre, excited si Carina. Sinong babae ang hindi excited tuwing monthsary nila? Kumakabog-kabog ang dibdib ng dalaga habang hinihintay ang boyfriend. Ang alam niya ay may klase pa ito kaya no choice talaga siya kundi maghintay.

Dahil sa pagkabagot, binuksan ni Carina ang bag ay kinuha ang nakabalot doon. Regalo niya ito kay Nigel. Mga panyo iyon na binurdahan nang mga pangalan nilang dalawa at ang monthsary nila. March 11.

“Magustuhan niya kaya to?” Hindi siguradong tanong ni Carina sa sarili. “AYY! Magugustuhan niya to, full of love kaya to.”

“Carina, kausap mo?”

“Ay kabayong tumakbo! ano ka ba naman Philip! Tinakot mo ako e.” Si Philip ay dating manliligaw ni Carina. Hindi man niya nakuha ang pag-ibig nang dalaga ay nanatili itong malapit sa kaniya bilang isang mabuting kaibigan.

“Tinakot? Adik ka talaga… Ikaw nga tong nakakatakot e. Sinong kausap mo?”

“Kausap ko sarili ko! hindi ba pwede yun?”

“Oo na, bakit nga pala nandito ka pa?”

“Hinihintay ko si Nigel..”

Lumukot ang mukha nang binata. “Umuwi na si Nigel kanina pa. Kasama niya yung barkada niya.”

Nagulat man ay hindi iyon pinahalata ni Carina sa kausap. Ayaw niya kasing mag-alala ito sa kaniya.

Situation Of He and SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon