3.

113 10 1
                                    

3. She Complains

Pagpasok ni Carina kinabukasan ay mugto pa rin ang mga mata nito sa pag-iyak. Siya na naman ang laman ng balita sa campus nila. Hindi niya din maintindihan kung bakit parang galit na galit sa kaniya ang lahat. Wala naman siyang maalala na ginawang masama sa mga ito.

“Hoy Ikaw!”

“HUH?” Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. “bakit?”

Hindi niya alam na pinalilibutan na siya nang mga babaeng patay na patay kay Nigel.

“Ang kapal naman ng mukha mo para saktan si Nigel!” Sabi nung babaeng  medyo maikli ang palda kumpara sa haba ng uniform nila.

Anong pinagsasabi ng babaeng to? sinaktan ko si Nigel? E ako nga yung nasaktan e!

“Tama kayo dyan mga girls.” Dumating naman si Nineth.

Bigla na lang nanalim ang mga tingin niya sa bagong dating na dalaga. sinong hindi mananalim ang mata sa babaeng yan e yan ang kahalikan ni Nigel kagabi! Ang sarap lang ingudngud ng bunganga ng babaeng yan sa nagbabagang uling!!

“Alam niyo bang uminom ng uminom si Nigel kagabi? sinasabi niya na hiniwalayan na siya nitong babae na to?”

“Ang kapal talaga ng mukha! ikaw na nga tong pinili ni Nigel, ikaw pa tong may ganang iwan siya! Ang kapal naman talaga ng mukha mo!!!”

“Oo nga! bakit? may iba ka na ba ha? May iba ka na bang ipinalit kay Nigel?”

“Siguro mas mayaman no? tss! sabi ko na nga ba e, Gold digger ka!”

“Ang dapat sayo, tinatapunan neto!!” at tinapunan siya ni Nineth nang ice tea sa ulo. Hindi pa nakuntento ang mga kasama neto at pinagbabato siya nang mga papel at basura.

“She looks like a trash now.”

Kahit na tinatapon nila lahat ng basura sa kaniya ay nanatili lang siyang nakatayo doon. Hindi makapaniwala na nangyayari ito lahat sa kaniya. Ano bang ginawa niya? Nagmahal lang naman siya ah. At nasaktan. Masama ba yung ginawa niya? nasaktan siya kaya siya nakipaghiwalay! Masama na ba yon? Bakit kailangan sa kaniya pa mangyari ang bagay na to? Kung kasalanan ba niya na nagmahal siya?

“HEY! Anong ginagawa niyo kay Ina ah!!??”

“Si Nigel…”

“Akala ko ba hindi siya pumasok?”

Nakita niya ang galit sa mga mata ni Nigel habang nakatingin sa mga babae. “ANO SA TINGIN NIYO ANG GINAGAWA NIYO HUH!!??”

Hinarap siya nang binata. “At ikaw naman, bakit mo hinahayaang gawin nila sayo to?? Ako ang may mali kaya dapat sana lumaban ka sa kanila!”

“Paano? Mas pinaniniwalaan ka nila. Kailan ba naging pantay ang tingin nila sa akin ha?? Kahit naman nung tayo e, ganyan yung tingin nila sa akin. Basura!”

“Carina..”

“At kahit pa malaman nila yung totoo, ganun pa rin naman e. Bakit ba kasi ako ang pinili mo? Alam mo bang ang hirap hirap mong mahalin?”

“Then, bakit mo ako sinagot? Mahirap akong mahalin diba? kaya bakit ako?”

“Kasi ikaw.. ikaw ang mahal ko! ang sakit sakit na..” Hindi na napigilan ni Carina na umiyak. Parang gustong-gusto niya na sumabog.

Niyakap siya ni Nigel. “Sorry.. wag ka nang umiyak. Hindi na mauulit lahat nang to. Patawarin mo ako, hindi ko alam na ganyan na pala ang nararamdaman mo. sorry..”

Niyakap niya din ito.

“Can we start again?”

“Promise me first that you won’t do that again..”

“Promise.”

At muli ay hinarap ng binata ang mga babae. “Sa susunod na may gawin kayo sa girlfriend ko, hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin sa inyo. MALIWANAG BA?”

Dahil sa takot ay nagsitanguan ang mga babae.

“Umalis na kayo…” mabilisan namang nagsitakbuhan ang mga babae.

“Hindi mo naman kailangang gawin yun..”

Isa-isa nitong tinanggal ang mga kalat na napunta sa kaniya. “I really swear this time that I will protect you and that I will never hurt you.”

“Talaga?”

He kiss her on the lips.

“Yes. I love you.”

“I love you more…”

Situation Of He and SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon