"Pay up!" Inilahad ni Lilithe ang palad niya sa harap ni Gilroy."Pay up mo mukha mo." Sagot naman sa kaniya nito. Hinarap ni Gilroy ang phone screen niya kay Lilithe at ipinakita ang oras. "I'm just on time." He defended himself.
Saktong 6:00 A.M. ang nakasaad sa cellphone niya.
"Hindi, late ang orasan mo ng one minute!" Hindi nagpatalo si Lilithe at ipinakita rin ang orasan sa phone niya.
"Baka maaga lang ang sa'yo." Habol naman ni Gilroy.
"Pahiram ako ng phone, Mel."
Agad ko namang inabot kay Lilithe ang phone ko.
"Look, pareho lang kami ng oras. You're late." Patunay ni Lilithe. "Pay up na, Mr. Lowkey." Pang-aasar pa nito.
Nakasimangot namang nag-abot si Gilroy ng one hundred pesos kay Lilithe. Well, rules are rules.
Noong nakaraan kasi, sinabi nilang ang mahuli sa binigay na oras ay magbabayad ng one hundred pesos. Partida, si Gilroy pa ang nag-suggest non. Siya rin tuloy ang nag-bayad kasi nahuli siya.
It wasn't that long after nang tawagin kami to proceed with our flight to Siargao.
Hindi talaga ako maalam sa ganitong mga bagay kaya panay tanong at dikit ako kay Lilithe. Mabuti na lamang at mabilis lang ang proseso dahil traveling inside the country ito.
Sa totoo lang, hindi dapat ako sasama. Baliktad lang talaga kasi mas persistent pa si nanay na pasamahin ako sa getaway na 'to. Lilithe eventually visited our house at nagpaalam kay nanay. Si nanay naman, tuwang-tuwa pa.
She kept telling me na ayos lang iyon, kahit nga raw isang linggo akong mag-bakasyon ay ayos lang sa kaniya.
Hence, I ended up in this situation.
Tatamad-tamad na naglakad si Lilithe habang hila-hila ang maliit niyang maleta. For someone so energetic na makipag-bardagulan, ang lamya niya gumalaw. Sabagay, hindi ko nga sigurado kung natulog ba siya, neither our other companions.
Si Eljin, halatang inaantok pa talaga, nagpipigil lang gamit ng kape. Lilithe said that Eljin is someone who tends be attentive with everything, lalo na kapag bumabyahe.
It's not something new, I guess? Parang sa lahat ay naka-pokus si Eljin. He's very hands on with everything.
"Kape?" Alok sa akin ni Eljin habang nag-lalakad.
He offered me a bottled coffee.
"Pass, acidic ako." Natatawa kong tanggi.
"Ayan, hindi mo kasi inaalam." Paninimula na naman ni Lilithe.
Lahat ata ng lalaki ay inaaway niya. I commend her for that!
"Look at Luan." Tinuro naman ni Lilithe si Luan. "Siya ang alukin mo ng kape at baka kung saan-saan siya bumangga."
Napatingin kaming anim kay Luan. Nakapikit pa siya habang naglalakad. Parang pinapakinggan niya lang ang tunog na ginagawa ng maleta ni Lilithe para alam niya kung saan siya tutungo.
"Gisingin niyo." Komento pa ni Daye.
Tamang tango lang si Finn sa gilid niya.
The flight went so smooth. It was quite fast, mga two hours siguro. Tapos we took an hour for the transportation papunta sa tutuluyan.
Pagdating naman sa lugar na tutuluyan, we agreed to stay in a resort named White Banana Beach Club. We booked for dormitory rooms para mas affordable. Mas okay na rin siguro dahil three days and two nights lang ang vacation namin.
BINABASA MO ANG
Are You Geo?
RomantikLilithe's Universe #1 Tamarra Mel Navalta can only express herself well with a pen and paper. So, when a guy hidden in the name of Geo started sending her letters, the two of them became the best penpals. Soon enough, she wanted to meet Geo which sh...