Third Letter

15 1 13
                                    


It's already 3 AM in the morning and I'm still studying. Naka-bukas pa ang bintana kaya dama ko ang lamig sa sala.

Some of my papers are scattered on the ground, pati na rin ang mga highlighters. Meron pang baso ng hindi ubos na gatas sa may lamesita.

I held on to my head, medyo sumasakit na. Maybe I should take a break.

Binuksan ko ang phone ko. Bumungad sa akin ang iilang messages ni Lilithe.

3:05 AM

Lilithe Amorsolo:
Pst, LQ kayo???

Lilithe set her nickname as Lilithe-aw tuwing 3 AM. 

Lilithe-aw tuwing 3AM:
Pinapasabi ni Gilroy, i-accept mo na raw follow request niya sa ig hehe

You changed Lilithe-aw tuwing 3AM's nickname into Lith <3

Tamarra Mel Navalta:
Sino si Gilroy

Lith <3 set your nickname as Mel <3

Lith <3:
Kawawa naman siya HAHAHAHAHA

Mel <3:
Hayaan mo siya

Lith <3:
Magdadalawang araw na raw naka-tengga request niya

Accept mo naaaa

Mel <3:
Tapusin ko lang ginagawa ko

Pinagpatuloy ko na ginagawa ko. Inabot pa ata ako ng isang oras bago naisipang matulog na. Medyo maaga na nga ito, noong mga nakaraang araw ay wala akong tulog.

Gaya ng sinabi ko kay Lilithe, inaccept ko na ang request ni Gilroy.

You have 1 new message from GilroyEl!

GilroyEl:
Grabe ka naman sa dalawang araw haha

Mmaramel:
Dapat nga hindi na e

GilroyEl:
Aray naman 

Mmaramel:
Matutulog na ako

GilroyEl:
Sinabi mo na kay Eljin?
Magkasama kayo noong isang araw

Mmaramel:
Wala akong balak sabihin, puwede ka nang matulog ng mahimbing

GilroyEl:
Bakit ayaw mo?

Mmaramel:
What if ikaw ang magsabi?

GilroyEl:
Tayong dalawa na lang

Mmaramel:
Kapal mo

GilroyEl:
Thanks?
Navalta
Tulog ka na?
Navalta
Navaltaaaa

Hindi ko na pinansin ang mga sumunod niyang chat. Bahala nga siya diyan, matutulog na ako. 

A few more days passed until it's weekend. Finally, rest day. 

I honestly spend my weekends grocery shopping or spending time with nanay. Nakagawian na namin kumakain sa labas tuwing weekends. Kagaya na lamang ngayon.

"Tara na?" I offered her my hand. 

As always, pinakita niya uli sa akin ang ngiti niya. I could live my life forever like this at hindi ako magsasawa. Nanay is the best.

Are You Geo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon