"Libre! Libre! Libre!" Parinig ni Lilithe kay Eljin at Tammara Cai habang naglalakad na kami papalabas sa school.Kanina lang kasi nilabas ang grades for first quarter at parehong top 1 si Eljin at Tammara Cai. I actually expected that. I think all of us did since many said na talagang active sa classes ang dalawa plus the fact na matatalino talaga sila. Hindi pa iyon ang pinaka-ranking since ang ranking sa buong semester ang pinaka-considered. But still, napaka-laking achievement pa rin nito.
"Oh, bakit ang tahimik mo? Top 3 ka kaya sa class natin!" Duro sa akin ni Lilithe. "Ayan sakto, sabay-sabay niyo akong ilibre." Dagdag pa niya.
"Libre mo sarili mo. Top 5 ka naman." Tugon ko kay Lilithe.
Maloko siyang tinuro ni Eljin. He even mouthed, "Ay talo!"
"Weh, nakikisali. Hanggang dito lang po ang usapan." Depensa ni Lilithe sa kaniyang sarili at umaktong may harang sa pagitan namin ni Eljin.
"Gawa-gawa ka, Li. Ang sabihin mo, wala ka na masabi." Ani Eljin.
Napailing-iling na lang ako at bahagyang natawa. Nagkatinginan naman kami ni Tammara Cai or should I say Luan, it's her first name. Medyo ang hassle na tawagin siyang Tammara Cai. Kaso nakakahiya rin naman siyang tawagin na Luan if hindi kayo close.
In the end, we just smiled at each other.
Tumunog naman ang cellphone ko, hudyat na mayroong notification galing sa Instagram. Naiwan ko pa lang nakabukas ang data ko.
GilroyEl:
Kailan free time mo? Gala ulit tayo!Napa-ngiti ako sa mensahe niya. Apparently, after our trip to Loreneio Bridge, he's been acting close na. I mean, the trip really did bring us closer. Pero lagi na siyang nagungulit na isama ako sa mga getaways niya.
Mmaramel:
Busy ako. After na lang ng first sem. Puro ka gala HAHAHA.At sa lahat ng aya niya ay hindi pa ako nakaka-oo maliban sa una. Totoo naman kasi, busy kami. It's already November, kaya naman ang exam namin patapos ngayong first semester ay malapit na. Professors also have been raining on us with activities and requirements. Ito ngang lakad namin after school ay biglaan lang.
GilroyEl:
Sabi mo 'yan ha? Wala nang bawian.Mmaramel:
What if bawiin ko?GilroyEl:
Okay lang.Mmaramel:
Ayon naman pala e haha.GilroyEl:
Parang kagat lang ni Barney </3Mmaramel:
You look like Barney <3Matapos ang mensahe kong iyon ay hindi na siya nag-seen. Ilang minuto pa akong naka-tunganga sa phone ko pero wala pa rin siyang sagot. Busy siguro. Kaya naman tinuon ko na ang atensyon ko sa mga kasama ko.
"Wow, sana all." Iyon ang nasabi ni Lilithe nang makita naming abutan ni Eljin si Luan ng isang paper bag.
"Thank you." Pasasalamat ni Luan kay Eljin.
Nilabas ni Luan ang laman nito ay tumambad sa amin ang isang black na tumbler at isang black notebook.
"Ang gaganda." Komento pa ni Luan. "Bakit puro black though? Favorite color mo?" Tanong niya kay Eljin.
"Isn't black your favorite color?" Tanong naman ni Eljin pabalik kay Luan.
"Hindi ah. It's white." Pagtatama sa kaniya ni Luan.
BINABASA MO ANG
Are You Geo?
RomantizmLilithe's Universe #1 Tamarra Mel Navalta can only express herself well with a pen and paper. So, when a guy hidden in the name of Geo started sending her letters, the two of them became the best penpals. Soon enough, she wanted to meet Geo which sh...