11. LIGAW MODE

85 5 1
                                    

MANILA , PHILIPPINES... AUGUST 15, 1991


IRENE'S POV..


"Irene ano na contact mo na si Bonget? Shuta almost three years na siyang di nauwi, three birthdays na ni mommy siyang absent." Saad ni manang na galit na naman.

"Teka lang nga manang, di ko nga macontact diba." Sabi ko naman.

"Ano bang pinagkaka abalahan nya sa NYC? or Sino pinagkaka abalahan nya? Wag nyong sabihin na hinahabol pa rin nya yung Lindsay na yun. Kamo wag sya magpaka gago doon sa babae na yun." Saad ulit ni manang. Galit na galit? Parang mananapak.

" Uy teka easy lang manang."

Maya maya pa biglang sumulpot ang daddy. "Ano bayan Madonna, yung boses mo rinig na rinig sa labas." Bungad na pananalita ni daddy.

"Eh, yung magaling mong unico hijo. Ayun tatlong taon na nasa NYC, di ka pa ba mag dududa nyan." Sabi ulit ni manang, ang init ng ulo , may regla or buntis na naman?

"Ime ang init na naman ng ulo mo." Sabi naman ng mommy.

"Ayan kasi ini-spoiled nyo yang unico hijo nyo." Sagot naman ni manang.

"Shhh! ang gugulo nyo. I tried to reach him. Pero di talaga sinasagot. AIMEE??" Sabi ko at pag tawag ko kay Aimee.

"Yes ate?" Paglapit nito habang na sipsip ng sarsi. 

"Try to call kuya Bonget, please?" I said. Alam ko naman yung kapalit. Kaya prepared ako. Nag tinginan naman yung tatlo sa akin.

"Hmm?? Ok po." she answered. Agad naman nya tinawagan ang kuya Bong, sabay silent sign sa amin, dahil ni loud speak nya.

=Hello? Aimee?- Bonget

=Hello kuya? How are you po? I miss you po, go home ka na po.- Aimee

=Ha? Ano kasi , may work pa si kuya dito sa NYC.- Bonget

=Ganun po?- Aimee

=Opo , pero po promise po ni kuya uuwi na po sya.-Bonget

=Promise mo po yan po ha? Sana po sa birthday po ni daddy nandito ka po.-Aimee

=Hah? Sige po, pero pwede ko po ba dalhin yung, magiging wife ko po? Pati po yung kids nya?- Bonget

=Pwede naman po kuya, basta po nandito ka po.-Aimee

=Sige po, kuya will be there and ate Liza and her kids too are also there. Sige na Little Aimee. Ibababa  na po ni kuya yung phone. Miss ka na rin po ni kuya, and I love you po, ha-hug ka ni kuya nang tight po pag uwi nya.-Bonget

=Ok po , ingat ka po, pati po si future sister in-law po namin po.-Aimee

=Kayo din po ha? Sila mommy and daddy ha.-Bonget

=Opo bye bye na po muna po.-Aimee

Binaba na ni Aimee yung telepono, rinig namin lahat ng sinabi ni Bonget. Liza? At mga anak nung babae na yun? Kinda weird. May nabuntis kaya sya? Or nung nakilala nya yung girl ay may anak na? Kilala ko si Bongbong, oo babaero sya at mambababae sya hanggat gusto nya, pero di nya hinahayaan maka dali or disgrasya sya na mabuntis nya. 

"Teka naka buntis kapatid nyo?" Saad ng daddy, pero mahinahon naman.

"Ferdinand , yung anak mo nandyan pa , baka pwedeng wag mo muna, ioopen ang ganyang topic sa harapan ni Little Aimee. Kayo mag preno kayo ng mga bibig nyo pag nasa harapan kayo ni Little Aimee, nagkaka intindihan ba tayo?" Saad ng mommy.

STRANGERS TO LOVERSWhere stories live. Discover now