SEPTEMBER 1,1991
Imee's POV.
Hello mga beshy, ako na ito si Ime, chariz!
Nandito yung jowa ng kapatid ko, di yung isa. Yung bago syempre, ano ba yan Chismis agad Bungad.
"Mommy?" Biglang singit ni Borgy.
"Yes?"
"Cousin ko po ba sila?" Napalunok ako sa tanong ni Borgy.
"Hmm? Borgy, listen to mommy ha?"
"Yes po mommy." Shuta paano ako mag eexplain?
"Hmm? Kasi yung babies di mo po cousin, step cousin mo po sila po. One day you will understand why." Maikling sagot ko naman.
"Ok po, thank you po sa pagsagot." Saad nito tiyaka lumabas ng kwarto naming mag asawa.
"My love?" Si Tommy naman, ano want nya din explanation ko? Eme.
"Yes? Wag mo sasabihing anak ni Bonget yung dalawang bata. Nakikita mo yung book shelves ko?" Saad ko naman.
"No, hindi. Mag sa suggest lang naman ako ng Christmas motif natin eh. Galit ka agad?" Saad nito sa akin. Nako kung di ko lang mahal itong pugo na'to.
"Ay? Ganun ba? Hahahaha, Sorry nadala lang ako ano ba." Saad ko naman.
"Sus, gigil ka nga eh. Tara na nga dito, my Josefa." Loko tong pugo na'to ha.
"Isa pang Josefa mo."
"Bakit? Si Josefa ka naman diba?"
"My love naman." Sabi ko naman.
"Sus, gusto mo lang ng lambing ko eh." Aba napaka hangin ha? Yung totoo helium ba pumasok sa utak nito?
"Yuck! Hindi no, yung anak mo kasi. Nang bibigla ng tanong." Sabi ko Naman.
"Talaga? Bakit naman?"
"Tinatanong kasi ni Borgy kung counsins nya daw yung dalawang bata."
"Di ba halata?" Tanong nito sa akin. Na curious ako sa sinabi ng asawa ko.
"What do you mean?" Tanong ko rin.
"Hindi mo ba napapansin yung mga pormahan nung batang lalaki?" Tumingin naman Ako sa kanya. "Tapos yung batang babae, Hawig ni Bonget. Hindi ka ba nagtataka? Na baka kapatid mo talaga yung ama ng mga bata." Dagdag pa nya.
"Nag jo-joke ka ba? My love alam kong pala inom ka rin, pero wag ka mag- isip sa kapatid ko ng ganyan." May amats na naman asawa ko.
"Baka lang naman diba? Tinatago lang ng kapatid mo." Sabi ulit nito. Isa pa talaga, isasalpak ko na yung bola ng golf sa bibig nya.
"Hindi nga ano ka ba, anong tingin mo sa kapatid ko? Tumatakbo sa responsibilidad? Tommy hindi ganun kapatid ko." Saad ko na lang, tiyaka lumabas nakaka inis na kasi eh.
Nag bumaba na lang ako, at nag lakad lakad sa likod bahay. Di ko naman namalayan nabangga ko yung isa sa mga kambal.
"Ouch kwo pwo, mwiss." Saad nung batang babae.
"Ay, naku! Sorry baby girl. Sorry, I didn't mean it to bumped you. Maybe lutang lang si tita." Saad ko na lang, tyaka tinulungan sya tumayo.
Tumingin ako sa kanya, pinagmamasdan ko yung mukha nya. Ngumiti naman Sya sa akin, nagulat ako nagiging kahawig nya sila Bonget at Irene pag nangiti. Or baka namamalik mata lang ako, dahil ilang taon na kami ni Tommy wala pa rin kaming nabubuo na babaeng anak. Hay nako Imee.
"It's owkay pwo, mwy fwault dwin namwan pwo eh." Saad nito sa akin.
"No not your fault po, sorry po. What's your name po pala?" Tanong ko naman.
"Wi'm Louiswana Mwarie po." Sagot nito sa akin.
"Ano po? Loui-sia-na Marie? Right?" Ulit ko sa pangalan nya.
"Ywes pwo, opwo. But you cwan cwall mwe Swanna pwo, pwero pwo dwouble n pwo."
"Ah? Sianna? Cute mo naman, siguro name din ni mommy mo yan?" Saad ko, mabait naman na bata ito eh. Nako rurupok ata ako sa mga batang ito.
"Hmm? Opwo? Swigwuro pwo. Ikwaw pwo ba? May bwabies ka win po?" Tanong nito sa akin.
"Hmm? I had three boys po. And I am praying po for baby girl eh." Sagot ko naman. Sana naman Lord bigyan mo ako ng babaeng anak.
"Gwanun pwo? Saan pwo sila?" Sasagutin ko sana sya ng biglang.
"Sianna? Louigi? It's time for siesta na." Narinig ko Boses ni Louise. "Nandyan ka lang Pala Sianna." Dagdag nito.
"Ay? Mag sleep ka na pala. Nice to meet you Sianna. " Saad ko naman sa bata, kumaway Naman ito sa akin.
"Sorry to bother you miss Imee." Saad ni Louise sa akin.
"Hindi ok lang ano ka ba naman. May Konting chismisan lang kami ni Sianna. Ang ganda naman ng pangalan niya. And don't call me Imee , manang na lang or if di ka sanay Ime na lang." Sabi ko naman, well di ko pa sya nakikilalang lubusan. Ayoko naman na mag taray ano.
"Ay? Sige manang, parang lalong Nakakatanda Naman. Ime na lang. Oo pinangalan ko kasi sa akin pati sa tatay ko. Iniwan kasi ako ng tatay nila eh. " Sabi naman nito sa akin.
"Ganun? Napaka walang hiya naman nya. Tumatakbo sa responsibilidad." Saad ko.
"Oo nga eh, pero wala na syang karapatan makita mga anak ko. Ni buhok nila di na nya mahahawakan." Sabi nito na parang gigil na.
"Tama yang ginawa mo attorney." Saad ko. "O Sya baka kelangan na nila Matulog, see you later na lang sa dinner." Saad ko Naman.
"salamat, girl power syempre. Anong akala nilang mga lalaki Sila lang? Tayo din kaya." Sabi nito na parang super inis Naman na. "Oo nga pala dito na muna kami. Salamat sa pag alalay sa anak ko ha? See you later manang." Dagdag nito.
Ngumiti naman ako sa kanya, ngumiti din naman sya. Tyaka tuluyan nang pumasok sa loob. Mabait naman sya eh. Or sadyang praning at mataray lang ako.
Pero Pala isipan pa rin sa akin yung sinabi Ng asawa ko sa akin. Na baka si Bonget nga yung ama ng mga bata. Kaya yun din siguro yung dahilan bakit Sya nag New York. Nako Imee wag mo pangunahan, di yun totoo. Hays praning ka na naman self. Erase , erase , erase.
Pumasok na lang ako ulit sa loob, at umakyat sa kwarto naming mag asawa.
"My love?" Tanong ko Naman.
"Hmm?" Saad nito, mukhang naabala ko pag tulog.
"Tabi ako sa'yo ha?"
"Sus, asawa kita Ime. Di mo na kailangan mag tanong. Tara na nga dito namiss Kita agad." Saad nito sa akin. Tumabi naman Ako agad sa kanya. Tyaka ko niyakap at Pumikit na lang ako.
Naramdaman ko naman na umikot sya pa harap sa akin, tyaka ko naramdam yung mga halik nya. Sobrang init nung mga yakap at halik na Yun. Hanggang sa.....
>>>> TC....
Wag na Masyadong exag na eme. Grabe the Whole part si manang lang may POV. Sorry na insights na Rin nya Yun.