NEW YORK CITY AUGUST 20, 1991...( Syempre may Birthday Serye din si Mazam sa August , pero dito sa watty syempre ibang year na yun abangan.)
LIZA'S POV....
Nandito pa rin si Bonget tuloy sa pang liligaw, pero siguro it's time na rin para sagutin ko na yung tanong nya. Ilang buwan na rin naman na syang nanliligaw. Siguro bukas, ibibigay ko na yung sagot sa tanong nya.
"Hello, tapa nga pala hahaha!" Bungad sa akin nito. Aba ibang version ng panliligaw ito. Dinadaan ako sa tapa.
"Hahahah! seriously? Tapa? hahhaha kidding, thanks." Sabi ko na lang " HMM? Bong? Busy ka ba tomorrow?" Dagdag ko pa.
"Hahahah ayan goods. Hah? hindi naman, bakit mo natanong?"
"Hmm? Birthday ko kasi bukas hahaha! ikaw lang naman bisita ko ihh. Pero kung gusto mo isama yung friend mo? Yung nakita nung mga kabayan natin last time, nung nalasing ka?"
"Ay? Sige sure, gusto mo ba pag luto kita?" Tanong nya sa akin.
"Hah? Hindi na Bong, si manang na lang. Basta pumunta ka na lang bukas ha?" Saad ko na lang.
Kaya ko sya di na pinayagan mag luto dito sa bahay bukas. Para ma prepared ko na yung sagot ko para sa kanya."Ok po, tapos si Anton ba tinutukoy mo?" Tanong nya sa akin. Pero di ko pa rin naman kilala yun hahaha.
"Hah? Anton ba pangalan nun? ahahah yun nga. Papuntahin mo ha?" Sabi ko naman.
"Oo naman, basta ikaw."
"Pogi ba Bonget?" Sabi ko , pero yung reaction nya mukhang ewan kasi, nag iba. Ay 'Seloso'
"Hah? Oo naman, syempre mana sa akin yun eh." Sagot nya.. Maasar ko nga.
"Ganun? Mukhang wala pang nobya ano? May Litrato ka ba nya?" Tanong ko.
"Hah? Wala ata ewan ko. Hah? Meron bakit?" Tanong nya na halatang selos na selos na.
"Pwedeng makita? Mukhang magandang lalaki din kasi sya eh." Sabi ko naman. Jusko po selos na siguro sya.
"Ha? H-here oh." Pautal nyang sabi sabay, kuha nito sa wallet nya yung picture na kasama sya. At inabot na sa akin yung picture.
"Ay? Thank you." Kinuha ko naman agad. Tyaka ko tinitigan yung picture, oo nga may itsura nga, matipuno ha? Aasarin ko pa lalo si Bonget. Pero syempre magandang lalaki din Sya. "Uy pogi nito, parang crush ko na sya. Anong name nya?" Dagdag ko pa.
"Hah? Syempre magandang lalaki din ako. And mas pogi naman ako sa kanya no. " Saad nito na halatang selos na. "Anton Lagdameo." Dagdag nya pero parang may punto, yung feeling na galit na selos.
"Pangalan pa lang, pang magandang lalaki na. Pakilala mo ako bukas ha?" SAbi ko naman.
"Hah? Oo naman sure na sure, diba sabi ko basta ang babaeng mahal ko." Saad nito.
"Thank you ha? Baka kasi, diba malay mo sya talaga para sa akin." I said.
"Hah? Oo nga naman, ano I have to go na pala, see you bukas . Advance happy birthday na rin hon- Louise. Basta sasasama ko sya bukas. Ah pakisabi na lang kela Louigi and Sianna, umuwi na si daddy Bonget nila. May gagawin pa kasi ako eh. Yung papers ko pauwi ng Pinas. Eh diba nag lalambing na ang kapatid ko." Saad nito.
Ni di man lang ako na inform na nilalakad na pala nya mga papeles nya puwi ng Pilipinas. Pero ok lang. Dapat lang na di ka sumama Liza, di ka naman invited at walang kayo ni Bonget.
"Ay? sige ingat ka ha? Wag ka papalipas ng gutom." Sabi ko na lang. Akma naman sya na hahalik sa akin, pero umiwas sya sa akin. Tyaka lumabas ng bahay.