Chapter 1

625 5 0
                                    

THE CHAPTER 1;

Lugmok at puno ng iba't ibang nararamdaman akong umuwi sa 'min nang kaagad na isang malakas na sampal ang unang bumungad sa 'kin pagpasok ko pa lang sa pintuan ng bahay namin.

"M-ma---"

Panibagong sampal na naman ang natanggap ko mula kay Mama.

'Bakit?Anong nagawa kong mali?'

Hindi paba sapat 'yong nangyari sa 'kin kanina para masaktan?

"Sinabihan na kita noon pa, Celline! Patulan mo na kung sinong gusto mo, huwag lang ang may asawa na!" Bulyaw sa 'kin Mama.

Anong...

"M-ma, anong ibig mong sabihin?" Nanghihina kong usal.

Naiiyak na naman ako. Ano ba kasing nagawa kong mali? Sa pagkakaalala ko, wala naman...

At ano itong mga pinagsasabi niya ngayon? Hindi ko siya maintindihan. Bukod sa hindi ko siya maintindihan, gusto ko na munang magpahinga kahit saglit lang. Kasi pagod na pagod na ako. Pagod na pagod. Both emotionally and mentally.

"Anong ibig kong sabihin? Bakit? Hindi mo alam? Hindi mo ba talaga alam? O may alam ka pero nagpapanggap kang walang alam, ano?!" Nanggagalaiting sabi ni Mama. "Celline naman! Pinalaki kita ng maayos, nang mag-isa! Kahit mag-isa kitang pinalaki, alam kong hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa 'yo na huwag kang tutulad sa 'kin. Huwag kang gagaya sa 'kin na isang kabit..."

"'Ma, naman..."

Tsngina naman, ba't napunta na sa pagiging kabit ang usapan?

Marahas na pinunasan ni Mama ang mga luha niya sa kanyang mukha bago muling nagsalita at tumingin sa 'kin na puno ng dismaya sa kanyang mga mata. "Pumunta rito kanina ang asawa ng Devin na 'yon..."

"Umiiyak at nagmamakaawa sa 'kin na hiwalayan mo na raw ang asawa niya lalo't nagdadalang-tao siya..."

A-ano?

Talagang ginawa iyon ni Andrea? Ang babaeng 'yon!

Mapait akong napangiti. Ngayon, kabit na rin ang tingin sa 'kin nang sarili kong ina.

'Nagmahal lang naman ako pero bakit...'

"M-ma, alam mo. Alam mong matagal na kami ni Devin, 'di ba? Kaya b-bakit... nagawa mong mas paniwalaan ang babaeng 'yon kaysa sa 'kin na anak mo..."

Bakit, Ma?

Alam niya na, noon pa man. Simula pa lang nang maging kami ni Devin, alam niya. Kilala niya na rin si Devin lalo't ipinakilala ko ito sa kanya bilang nobyo ko at... madalas din siya ditong dumadalaw sa bahay. Minsan pa nga, pumupunta siya rito para bisitahin si Mama nang hindi ko man lang alam.

Nakakadismaya na ewan. 'Yong akala mong kaisa-isang tao na una ka dapat na maiintindihan dahil sa sitwasyon na mayroon ka ay katulad na rin pala ng iba ang iniisip tungkol sa 'yo. Na isa kang kabit.

Where in fact, ako naman talaga ang nauna.

Ang babaeng 'yon ang pinakasalan pero, ako naman ang mahal.

The CEO's Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now