Chapter 14

275 3 0
                                    

THE CHAPTER 14;

Nang makauwi kami ng anak ko sa apartment na tinutuluyan naming dalawa ay hindi na nawala sa isipan ko ang pagkikita naming muli ni Devin kanina.

Estudyante ko ang anak nila Andrea.

Kaya hindi maiiwasang baka mas maging madalas pa ang pagtatagpo naming dalawa ni Devin o baka ni Andrea lalo't pareho nilang anak si Yana at sila ang mga magulang nalang nito.

Speaking of Andrea, kumusta na kaya siya?

"Hello, Ma?" Sagot ko sa tawag ni Mama sa 'kin.

["Oh, Celline! Kumusta kayo riyan ng apo ko? Okay lang ba kayo? Hindi ba kayo nahirapan diyan sa Manila humanap ng matitirhan?"] Ani Mama mula sa kabilang linya.

Hindi kasi sumama sa 'min si Mama papuntang Manila. Mas gusto na niyang manirahan daw sa probinsya kesa sa siyudad kaya ayon, hindi ko nalang din pinilit pa.

"Ehh, Ma... Kasi..."

["Ano? May nangyari bang hindi maganda?"]

"Nagkita na ulit kami ni Devin, Ma..." Saad ko.

Saglit na natahimik ang linya ni Mama.

["Nakita niya na rin ba si Devon?"] Tanong niya pagkaraan.

"Hindi..." Sagot ko.

["Kung gano'n, wala kang dapat ipangamba kung gayong hindi pa naman pala nakikita ni Devin ang anak niyo..."]

"Pero, Ma..."

["Ano?"]

"Isa sa mga estudyante ko ngayon sa nilipatan kong paaralan ang anak nina Devin at Andrea..."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama sa kabilang linya. ["Makakaya mo 'yan, 'nak. Tiwala lang. Basta huwag mong kalilimutang maging propesyonal diyan, ihiwalay mo ang trabaho mo sa personal mong buhay, maliwanag?"]

"Opo. Sige na, Ma. Anong oras na, maggagabi na. Bukas nalang ulit..."

["Sige, basta mag-ingat kayo palagi diyan ng apo ko, naiintindihan mo ba, Celline?"]

"Opo, Ma. Ikaw din po, mag-iingat ka rin po diyan..." Huling sinabi ko bago pin@tay ang tawag.

The CEO's Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now