Chapter 19

267 2 0
                                    

THE CHAPTER 19;

Natigilan ako. "A-anak..."

"Celline..."

Kaagad akong napalingon kay Devin nang tawagin niya ako.

"Pwede na ba tayong mag-usap ngayon?" Malumanay ang boses na tanong niya sa 'kin.

"A-ahh, oo naman... Saglit lang..." Usal ko at itinuon muna ang atensyon sa anak ko. "Anak, mag-uusap na muna kami ng Daddy ni Yana, ah? Maglaro lang muna kayo ni Yana habang nag-uusap kami ng Daddy niya..." Paalam ko muna sa kanya bago lumapit kay Devin para makapag-usap na nga kami ng masinsinan.

"Sa labas tayo mag-usap, 'yong hindi tayo maririnig ng mga bata..." Saad ko sa kanya na kaagad niya naman sinang-ayunan.

Nang nasa labas na kami ng room, siya ang unang nagsalita.

"Celline, bakit? Bakit hindi mo sinabi sa 'king nabun---"

"Kasi ayaw ko ng gulo, Devin. Ayaw kong mas lumaki ang gulo." Sagot ko saka siya buong tapang na tiningnan. "Sinubukan ko namang sabihin sa 'yo, eh... Sasabihin ko na sana noong araw na pumunta ako sa opisina mo pero ano? Sinabi mo ring nakabuntis ka! Na n-nabuntis mo si Andrea..." Paliwanag ko at hindi naiwasang ma-utal.

"Celline..."

"Hindi mo alam kung gaano kasakit... Sobrang sakit, Devin..." Puno ng hinanakit kong sabi sa kanya. "Tiniis ko. Nagtiis ako. Ultimo pagpapakasal mo sa ibang babae, nagawa kong tiisin. Nagawa ko pa ring manatili sa tabi mo at ipagpatuloy ang relasyon nating dalawa..."

"Ako 'yong nauna at mahal mo pero, ako naman 'yong naging kabit sa mata ng iba sa huli..."

Habang sinasabi ko sa kanya ang mga katagang iyon ay tahimik lang siya pero puno ng ibat-ibang emosyon ang makikita sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Ano? May itatanong ka pa? Sabihin mo na at sasagutin ko para isahan na lang..."

I heard him sighed. "I'm so---"

"Mommy!"

"Daddy!"

Pareho kaming napalingon sa mga bata ng tinawag kami ng mga ito nang magkasabay habang papalapit sa gawi naming dalawa.

"Bakit, anak?"

"What is it, baby?"

Kanya-kanya naming tanong ni Devin sa kanila.

"Yana told me po na pwede ko pong maging Daddy ang Daddy niya, Mommy..." Devon said.

"And Devon told me naman that Teacher Celline can be my Mommy too, Dad..." Yana said too.

Huh?

Wait, what?!

The CEO's Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now