Chapter 10

296 2 0
                                    

THE CHAPTER 10;

Sobrang bilis ng takbo ng oras at ngayong araw na ito na ako aalis sa paaralang pinapasukan at pinaglingkuran ko bilang isa sa mga guro dito sa loob ng apat na taon.

'Haysst, mami-miss ko ang mga estudyante sa paaralang ito...' usap ko sa 'king isipan habang nakatanaw sa paaralan kung saan ako unang nagturo bilang isang guro.

___

Ilang oras lang ang naging biyahe mula sa probinsya patungo sa Maynila ay ito na, tanaw-tanaw ko na, namin ng anak ko mula sa loob ng taxi'ng sinasakyan namin ang mga iba't-ibang naglalakihang imprastraktura sa siyudad.

Nasa Manila na nga kami. Nakabalik na ako sa lugar kung saan talaga ako lumaki noon pa man...

Gano'n pa man, hindi ko maiwasang mangamba.

What if magkita ulit kami? Anong mangyayari? Anong gagawin ko?

Kahit sabihin na nating malaki at maraming pasikot-sikot ang Maynila, maliit pa rin ang mundo para sa 'min at talagang may tiyansang magkita ulit kami ni Devin.

But if that would happen, ako mismo ang lalayo at magtatago.

Bahala na, ayoko ng gulo. Ayokong magkagulo.

___

'ECHAVEZ PRIVATE SCHOOL...'

Pangalan ng bagong paaralan na pagtuturuan ko ng mga bagong estudyante.

Sana maging maganda ang pagtanggap sa 'kin ng mga katulad kong guro rin at ng mga bago kong magiging estudyante...

At sana maging maganda rin ang unang pagpasok ngayon ng anak ko dito sa paaralang ito katulad ko.

Hindi ko naman isinama lang basta-basta ang anak ko dito para magbakasyon lalo't malayo pa ang bakasyon. Yes, I transferred him here. And luckily, hindi ako mahihirapang bantayan ang anak ko na baka mawala siya sa laki ng paaralang ito lalo't kahit sa pagtuturo ay kasama ko siya dahil isa siya sa mga magiging estudyante ko.

Ako ang advisory niya.

Mother niya ako but at the same time teacher.

The CEO's Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now