CHAPTER #8

743 31 1
                                    

-CHAPTER #08-

-RECESS!/ AWAY AWAY-

****


"South, alam kong maganda ka ha, pero sa lahat nang magiging boyfriend mo, Baliw pa!Haha!..Hindi lang baliw!Takas mental pa!Haha!" Malakas na pinagtatawanan ako ni klayklay, Habang kanina pa ako inaasar.

"Gago ka?, Ikaw nga hindi pa takas mental baliw na talaga eh!" Parang batang sigaw ko sa kanya. Malakas naman syang tumawa habang ako, Naiiyamot na sa katarantaduhang taglay nya!. Kanina pa to!!. "Tumigil ka nga klayklay! Sasakmalin kita, Makikita mo!" Pag babanta kopa!.

Nandito kami ngayon sa cafeteria, Oras nang recess at Hinila nalang ako nang batang dwende na ito dito!. Kasama pa namin ang iba, Lalo na si daze at chikiro. Nakasimangot lang naman ako dahil hindi pako maka move on sa nangyari kanina.

Akalain nyo yun, Nagkaroon ako nang worst love story'nang dahil sa piso!. Oo! Piso! Yung lintik na hinayupak na piso na yun!. Hindi ko alam kung paano pa ako nakapag dala nang baliw sa room! Mapag kukwentuhan tuloy ako ngayon nang mga chismosang mga students dito!.

"Unang araw palang! Minahal na kita ah!" Malakas na kanta pa ni klayklay kaya malakas na binatukan ko sya. "Aray! South ha! Ganan kana! Porket may Romeo kang baliw!" Sigaw nya agad sa mukha ko at nag papadyak pa na akala mo bata!.

Masama ko naman syang tiningnan. Mag sasalita pa sana ako nang sumingit sa amin si travis. "Klayklay, Stop teasing south, ikaw lang naman din iiyak sa huli" mahinhin na paalala nito bago inayos ang buhok nya.

Gwapo! Baka crush ko yan!.

Hindi na nag salita si klayklay at bumili nalang kami sa counter nang pagkain, Nakapila kami dito dahil nakapila kami! Alangan diba!. Ang iingay kasi nang mga kasamahan ko, Para silang nasa palengke, wala namang tumataya sa bingo pero puta kung makasigaw akala mo taga taya eh.

Meron naman akala mo tumama sa lotto!. Isama mo pa tong si klayklay na malaki lagi ang ngiti. Kita na gilagid!. Pasalamat s'ya at maputi ang ngipin nya!. Kung hindi kamukha na sya aso nang kapitbahay namin!.

"Hi miss, Ano po sa inyo?" Tanong nang babae sa counter nang ako na ang sumunod.

"Isang Mango shake, Then isang Kare-kare with two rice po" order ko naman bago Ngumiti sa kanya. Diet ako dapat ngayon eh, Pero sige, food is food, matakot kayo kapag Nangayayat ako.

Habang nag iintay ay naririnig kona agad ang boses nang nasa likod ko. "Tsk,Ang kupad-kupad" Rinig ko sabi nya. Nang lumingon naman ako sa kanya ay nakita kong naka cross arm pa ang lalaki habang nakataas ang kilay sakin.

"Nahiya naman ako sayo, Adi ikaw na pumalit doon sa counter at ikaw na gumawa nang order ko, Tutal ayaw mo nang kupad diba?" Pang babara ko sa kanya. Lintik na to!. Daming arte mag iintay lang naman.

"So? Ang bagal mo kasi umorder, Pano ka hind tatawaging kupad?" Pang babara pa nya sakin at tinaasan pa ako nang kilay!. Aba aba!."bawal dito kupad, Bagal mo"

"De wow! Hmp!" Inirapan ko muna sya bago tumingin sa counter ulit. Sakto nun ay dumating na yung order ko kaya naman umalis na ako doon. "Oh ayan, Mukbangin mo, Arte arte mo, mag iintay kalang ah!" Parang bata kong sabi sa kanya bago tinuro yung pwesto ko at padabog na nag lakad sa pwesto nina travis.

Minsan na nga lang makausap, nakakapang bad mood pa. Ayaw ba nya sa mundo at ganan ugali nya!. Gwapo nga! Mukha namang mananakmal!. Hindi ko type yang mga ganang tao!. Hmp!..

The Only girl in Section E |✓ (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now