CHAPTER #28

228 9 2
                                    

-CHAPTER #28-

"Good morning Section E". Bati samin ni ma'am castro. Ang masungit na teacher namin sa English.



"Good.. Morning ma'am Castro".Parang kulang sa sapak at kain na bati ng mga kaklase ko.




"What kind of greeting is that? Para kayong lantang gulay sa palengke!... Again! Gusto ko may energy!". Galit na naman si ma'am castro kaya wala kaming nagawa kungdi ang tumayo ulit at bumati sa kanya.





"GOOD MORNING MA'AM CASTRO!".Nagulat ako sa sigaw ng mga kasama ko. Anong klaseng bati yan? Halatang napipilitan. Agad naman silang umupo at sumalampak sa desk nila. Halatang wala sa mood at tamad na tamad.





"Ok.. Our lesson for today is all about.....Blahhhhh.. Blahhhh".




Malakas ang ulan sa labas. Pero mas malakas ang hilik ni klayklay na nasa tabi ko. Kanina pa sila tulog ni Travis. Ni hindi ko nga magawang gisingin at baka masuntok ako kapag nabigla. Mahirap na.





At oo. Malakas ang ulan sa labas. Halos Bahain na nga sa daan pero may pasok pa rin kami. Nakakita na nga ako ng studyanteng hinahampas na ng hangin sa labas pero may pasok pa rin kami. (--__--). Ganun kalala ang school namin. Napaka sipag.





"Gisingin nyo nga ang mga katabi nyo! Pangatlong subject palang mga tulog ba agad kayo!". Sigaw ulit ni ma'am castro.





Tumingin ako kay klayklay. Nag hihilik sa kanan ko at ginawang unan ang bag nya.




Tumingin naman ako sa iba. Meron mag kasandal sa balikat. Mayroong halos gawin ng kama ang dalawang upuan. Nang tumingin naman ako sa pwesto nina Daze. Natutulog din. Si chikiro naman ay seryosong nag susulat. Tapos si Duke ay nag lalaro sa cellphone nya.





Lumapit ako kay klayklay at kinalabit sya. "Klay.. Huy klay".





Ayaw nyang magising. Ilang beses ko pang kinalabit ang batang hilik pero wala.. Natigilan ako sa naisip. Ngumisi ako at dahan dahan ulit na lumapit sa kanya sabay....





"Klay! Uyy Klayklay! Gising! Uwian na!". Kunwari akong natataranta habang malakas syang inaalog alog.
"Klay! Uwian na!".




Para syang si Flash na mabilis na umayos ng upo. Malakas akong natawa ng makita ang itsura nya. Magulo ang buhok at nanlalaki ang mata, Ngumiwi lang ako ng punasan nya ang gilid ng labi nya. Nag laway pa ata.





"H-ha... Uwian na?". Naguguluhan nyang tanong bago tumingin sa paligid. Nanlalaki pa rin ang mata na halatang nagulat ng gising.




"Miss Marquez! Anong nangyayari dyan?". Sumigaw na naman si ma'am castro kaya natigilan ako. Humarap ako kay ma'am at malapad na ngumiti.




"Nang Gigising ng kaklase ma'am".



Pag kasabi ko nun. Sakto namang gumising na din si Travis. Nahikab pa bago tumingin sakin. Kinusot kusot pa ang mata bago umayos ng upo.




"Akala ko hindi na kayo magigising". Sabi ko sa dalawang katabi ko.




"Akala ko din". Si klayklay na tulala sa unahan. "Akala ko din uwian na. Naputol tuloy panaginip kong nanalo daw ako sa lotto". Dagdag nya pa. Hanggang panaginip lang yan.




The Only girl in Section E |✓ (Part one: Beginning) Where stories live. Discover now