Mon's POV
Bagot na bagot ako sa loob ng classroom namin dahil wala kaming klase, vacant namin ngayon kaya naisipan kong itutulog ko nalang 'to. Matagal din kasi akong nakatulog kagabi kakapanood ng GL series. Napapahikab pa ako sa sobrang antok.
"Hoy, Mon! Andiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap ah," tampal ni Sam sa akin.
"Aray! kung makatampal ka naman parang robot lang ako ah."
"Sorry naman, ano kasi diba ikaw partner ko sa Science?"
" Oo, bakit?"
"Gawin nalang kaya natin mamaya sa bahay? Di kasi ako pwede sa weekends eh, aalis kami ng fam ko. Uuwi kami ng probinsiya, birthday kasi ni lola. Baka pwedeng mamaya nalang natin sa bahay. Mag sleepover ka."
"Baka kasi hindi ako payagan ni mama mag sleepover."
"Papayag yan, ako nalang magsasabi. Sasamahan kita sa bahay niyo kung gusto mo."
"Sige, sabi mo yan ah."
"Oo nga, sige na," sabi nito at umalis na.
Napahawak pa ako sa kamay ko na tinampal niya, medyo namula 'yon at mahapdi. Napailing nalang ako at parang nawala pa ang antok ko dahil sa ginawa niya.
Tbc