Mon's POV
Kinabukasan nakaramdam ako ng pagkaihi kaya napadilat ako ng mata. Halos mapalundag pa ako sa gulat nang may mahigpit na yumakap sa akin.
Doon ko lang napagtanto na wala nga pala ako sa bahay namin. Mahimbing na natutulog si Sam habang nakayapos sa akin.
Bigla nalang bumalik sa akin ang nangyari kagabi kaya agad akong napayakap sa katawan ko, pero may damit na 'yon.
Agad- agad akong tumayo at pinulot ang mga gamit ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Nadatnan ko pa ang mga maids na naghahanda ng pagkain.
"Iha, saan ka pupunta? Kumain ka muna."
"Hindi na po. Salamat nalang. Aalis na po ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot ng maid sa akin at lumabas na ako ng bahay. Nagpara ako ng jeep. Natataranta pa ako dahil sa nangyari. Bahagya akong napapikit at ginulo ang buhok ko.
"Shit, Mon! Anong nangyari sa'yo!"
Nauntog ko pa ang ulo ko sa jeep. Nang makarating sa amin ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Buti nalang hindi nagtanong si mama dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
Pagkatapos kong gawin ang madalas kong ginagawa sa umaga ay nagpaalam na ako kay mama.
Magkikita kami mamaya ni Sam sa school, for sure magtatanong 'yon kung bakit ako umalis ng hindi siya hinintay.
Pagkarating ko sa school ay diretso agad ako sa faculty office para ipasa kay Ms. Villanueva ang project namin sa science.
Pagkarating ko sa classroom ay para akong nabunutan ng tinik nang wala akong mahagilap na Sam.
Umupo lang ako sa pinakadulo at sinandal ang ulo ko sa gilid ng bintana dahil inaantok pa ako.
TBC..