Chapter 6 (Last Chapter)

1.1K 31 3
                                    

Mon's POV

Agad kumalas si Sam sa paghalik sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang  nakasandal ako sa pinto.

"Tell me, Mon. Are you jealous?"

"Fine! Oo na! Nagseselos ako dahil kanina."

"So, that means you like me,too?"

"Yeah."

"I knew it, Mon! Magugustuhan mo din ako."

"Tss. Kapal mo."

"Aww, my baby is so cute," pinisil pisil niya pa ang mukha ko.

Hinigit niya ako at niyakap nang mahigpit. Napayakap na din ako sa kanya.

After all this time nasa indenial stage lang pala ako. Siguro naman makakatulog na ako nang maayos sa gabi.

"Pwede na ba akong manligaw?"

"Pwede na."

"Thank you, Mon. I'll promise I won't hurt you."

Tumango lang ako sa kaniya at yumakap. Sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya habang nakahiga ako sa isa niyang braso.

Nag stay lang kami ng isang oras at pagkatapos ay hinatid niya na ako sa bahay. Todo ngiti ang gaga dahil pinayagan ko siyang manligaw sa akin. Hmp!

Nang makarating sa bahay ay nakita ko si mama sa labas, nakapayong at tila naghihintay sa akin.

"Buti naman at nakauwi ka na, nag alala ako sa'yo ng sobra."

"Ma, okay lang po ako."

Nagpaalam na si Sam na aalis na. Hindi nga sana siya pauuwiin ni mama dahil umuulan pero nagpupumilit siya na umuwi.

Pagpasok ko sa bahay ay agad akong nagpalit ng damit at lumabas ng kwarto. Naisipan kong magtimpla nalang ng kape dahil masyadong malamig ang panahon.

Hindi ko namamalayan na napapangiti pala ako habang nagtitimpla.

"Nak, anong nangyari sa'yo?" sabi ni mama habang naupo sa silya.

"Wala po ngayon ko lang nagets 'yong joke na narinig ko kanina."

Pagkatapos kung magtimpla ay agad akong pumasok sa kwarto at humiga. Halos mapunit na ang labi ko dahil kakangiti ko. Ang sarap pala mainlove sa kapwa babae.

Dalawang buwan ng nanliligaw sakin si Sam. Halos araw-araw niya akong sinusundo at hatid sa bahay.

At sa loob ng dalawang buwan  nakilala ko agad kung sino siya. Mga gusto niyang gawin, gustong kainin. Mga ayaw at gusto niya.  Kaya napag-isipan ko na siguro ito na 'yong time.

Agad ko siyang tinext na imemeet niya ako sa Soleia Café. 'Yong café na malapit sa beach.  Sakto sabado ngayon kaya nakagala ako.

Nang makita ko na papalapit na siya sa akin ay agad kong iniba ang ekspresiyon ng mukha ko.

"Mon, is there something wrong?" sabi nito na halatang nag-aalala.

Hindi ako nagsasalita. Nanatili lang akong nakayuko. 

Alam kong nag-aalala na si Sam sa akin.

"Baby? Is there something wrong? Please, tell it to me."

"Sam, tigilan mo na ang panliligaw sa akin."

"Ha? Why? Is there something wrong?"

Hindi ulit ako nagsalita. Napatingin ako sa seryoso niyang mukha at tila gusto ng maiyak. Naawa tuloy ako bigla.

"Mon? May nagawa ba akong mali?"

"W-wala naman."

"Pero bakit? Bakit pinapatigil mo na ako? No! Hindi ako titigil. Kahit wala akong pag-asa. Huwag naman ganun, Mon"

Parang maiiyak na ata siya kaya napapatingala siya habang nakahawak sa mga kamay ko. Agad kong hinablot ang kamay niya at hinawakan ang kaniyang mukha.

"Pinapatigil na kita sa panliligaw kasi...."

"Kasi ano?"

"Kasi sinasagot na kita."

Halatang hindi pa naproseso sa utak niya ang sinabi ko. Ilang segundo lang ay lumiwanag ang mukha nito.

"Talaga? You're not kidding?"

"I'm not. Sinasagot na nga kita."

"Yes!"

Agad itong lumapit at niyakap ako ng mahigpit. Ganto pala, ganto pala ang pakiramdam na may nagmamahal sa'yo ng tunay. 

Niyakap ko din siya nang sobrang higpit. Hindi ata siya makapaniwala na sinagot ko na siya.

"Shh, don't cry." I cupped her face and wiped her tears.

"I love you, Mon. I really do."

"I love you, too. I love you, Sam."

She hugged me once again and kiss my lips.  Ang babae ay para lang sa babae.

The End💜

AUTHOR'S NOTE: ITO NA PO 'YONG LAST CHAPTER. ALAM KO MEDYO BITIN PERO ITO NA TALAGA 'YON.
MAY NEW STORY NANAMAN PO AKO "IF THERE'S A CHANCE" 

SLEEP OVER(SHORTSTORY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon