Mon's POV
Dismissal na namin pero hindi pa dumadating si Sam. Iniiwasan ko siya pero heto ako hinahanap siya. Baliw na ba ako? Napabuntong hininga ako dahil sa nangyari.
"Hoy, gaga okay ka lang ba?"tanong sakin ni Pen habang kumakain kami dito sa cafeteria.
"Oo naman, okay lang ako."
"You're spacing out. Kanina ko pa napapansin 'yang pagbubuntong hininga mo. Spill the beans, biatch."
"Wala nga, kulit mo."
Pagkatapos namin kumain ay naisipan namin na tumambay muna sa field. Nakahiga ako sa damuhan habang nakatingin sa maaliwalas na langit.
Napakagat ako ng labi nang maalala ang nangyari kagabi, Sam is making me insane. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.
Nakaramdam ako ng pagkaihi kaya nagpaalam ako kay Pen na iihi muna ako. Pumasok ulit ako sa University. Saktong pagliko ko ay nakasalubong ko si Sam. Habol nito ang kaniyang hininga habang nagulat pa ng makita ako.
"Mon.."
"Sam."
Mabilis akong tumalikod sa kaniya at akmang aalis nang mahawakan niya ang kamay ko at bigla akong hinila sa likod ng school.
"Sam! Ano ba! Bitawan mo nga ako."
"Mon,what's wrong? Bigla ka nalang umalis na hindi man lang nagpaalam sa akin."
"Kailangan ko ba sabihin sa'yo na aalis ako?"
"Mon, may problema ba? Tungkol ba 'to sa kagabi?"
"Hindi dapat nangyari 'yon. Parehas tayong babae! Jusko naman!
"Sinabi ko sa'yong gusto kita, liligawan kita. Bigyan mo ako ng pagkakataon."
"No, I'm sorry. Hindi tama to, Sam, Mali 'to, sobrang mali."
Hinigit ko ang braso ko na hawak niya at tinalikuran siya. Naramdaman ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon.
—
It's been 2 weeks since Sam and I talked. Halata din na iniiwasan niya ako. Dalawang linggo na akong hindi nakakatulog nang maayos. Ang kapal ng mukha niyang iwasan ako!
Diba ginusto mo din naman 'to Mon? Segunda ng utak ko. Bwiset talaga. Nagulo ko nalang ang buhok ko dahil sa nangyari.
Dalawang linggo na rin akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Baka nasa indenial stage lang ako. Hindi ko lang maamin sa sarili ko na bakla talaga ako. Urghh! Kainis!
Nahampas ko tuloy nang malakas ang mesa kaya napatingin sakin ang mga kaklase ko, pati na rin si Ma'am Peachy.
"Mon? Is there something wrong?"
"W-wala po, Ma'am. May ipis lang po na dumaan."
Tumango lang siya at tila naniwala naman sa palusot ko.
Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso agad kami ni Pen sa cafeteria.
Prente lang kaming nakaupo habang kumakain nang mahagip ng paningin ko si Sam sa kabilang table. May kasama siyang babae at sinusubuan pa siya. Aba!
Mahigpit akong napahawak sa C2 bottle habang hindi inaalis ang paningin ko sa kanilang dalawa.
"Mon! Mon! Jusko! Anong nangyayari sa'yo."
"Ha?" dun lang ako natauhan. Basa si Pen dahil bumulwak 'yong C2 na hawak ko.
Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinahid 'yon sa kanya.
"Sorry,Pen. Di ko sinasadya."
" Umamin ka nga sa kin may problema ka ba? Ilang araw ko ng napapansin na ganyan ka?"
"Kung sasabihin ko naman sa'yo baka pagtawanan mo lang ako e."
"Of course not. C'mon."
Tumango lang ako sa kaniya habang nagpatianod sa paghawak niya sa akin. Umupo kami sa field habang kinukwento ko sa kaniya ang nangyari.
"Welcome to the club, dude."
"A-ano? D-don't tell me?"
"Yes, I'm bisexual."
"Bakit hindi mo sinasabi sa akin?"
"Eh akala ko kasi alam mo e."
"So may girlfriend ka?" tanong ko sa kaniya
"Meron, ibang school siya."
"Kaya pala ang aga mong umalis hindi ka pa tumutulong sa classroom na maglinis."
"Hoy, tumutulong kaya ako." sabi nito sa akin.
Naguguluhan parin ako. Bakit parang lahat ng nakapalibot saking babae, babae din gusto?
Nag aabang ako ng masasakyan pauwi nang biglang umulan kaya agad akong tumakbo papunta sa parking lot at dun nalang muna sumilong.
Masyadong malakas ang ulan at wala atang planong tumila.
Nakayapos ako sa katawan ko dahil masyadong malamig ang paghampas ng hangin sa katawan ko.
Kung hindi agad to titila ay gagabihin talaga ako sa pag uwi. Napasandal nalang ako sa sementadong dingding at pinikit ang aking mata.
"Mon."
Agad akong napadilat at napaayos nang pagtayo nang maulinagan ko ang may ari ng boses.
"Sam."
"Hatid na kita."
"Hindi na, maghihintay nalang ako sa pagtila ng ulan."
"No, I insist. Ihahatid na kita."
Hindi na ako umayaw, libre na pamasahe kaya gorabells.
Kotse ang dala niya ngayon, agad akong pumasok sa loob at nagsuot ng seatbelt.
Habang nasa biyahe kami ay walang gustong magsalita sa amin. Wala din naman akong sasabihin dahil nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya.
"How are you?" sabi niya habang nakatingin lang sa dinadaanan namin.
"I'm fine, ikaw?"
"Okay lang din." sabi nito
Naramdaman ko nalang na hindi 'to ang daan papunta sa amin. Kaya bigla akong napatingin sa kanya at kinabahan.
"Sam,hindi 'to ang daan papunta sa amin."
"I know, we need to talk."
Tumigil kami sa isang hotel. Agad niya akong pinababa at hinawakan ako sa kamay papasok.
Nang makakuha kami ng kwarto ay agad niyang sinarado ang pinto at sumandal dun habang nakatingin sa akin.
"Sam.."
"Don't worry, baby. I won't hurt you." sabi nito at kumindat pa sa akin."
"Ano bang trip mo sa buhay? Uuwi na ako, umalis ka diyan!"
"Not so fast,Mon."
"Sam! Ano ba!"
"Akala mo ba hindi ko alam ang nangyari sa'yo kanina? You're jealous,aren't you?"
"Hindi!"
"Yes, you are. Stop denying it."
"Hindi nga! Ano ba ang sinasabi mo? Babae tayo parehas!"
"Oo nga, babae tayo. Wala naman akong sinabing hindi."
"Pwede ba? Umalis ka sa pintuan at uuwi ako."
"Hindi pa muna, mag usap muna tayo."
"Ano bang usap ang gusto mo!"
"This..."
Nagulat ako dahil sa bilis ng nangyari. Agad niya akong napasandal sa pinto at hinalikan.
Hindi agad ako nakareact dahil sa nangyari. No Mon! Huwag kang matukso!
TBC..