Chapter 5

3K 122 6
                                    


Napakamot ako sa noo ko. "I don't know, Alaric. It's not possible, I guess? Hindi ko alam kung puwede."

His eyes darken for a moment. "But w-why?" He was confused. What was he confused about here?

"Dahil hindi siya magandang tignan sa mata ng ibang tao, Alaric."

Mas kumunot ang noo nito sa akin. "Then they can look away!"

Right. May point siya ro'n.

"My lady! You said I could ask anything? I'm asking right now!"

He was throwing a tantrum. Hinila niya pa ang kamay ko kaya mas nagdikit kami.

"I want you always in my side, my lady..." humina ang boses niya at pinakatitigan ang mukha ko. "I won't let you off my sight again," seryosong niyang sabi.

Ang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko maalis ang tingin sa mga abo niyang mata. Para akong hinihigop sa loob no'n. There was something in his eyes that I couldn't grasped about.

Lumayo ako sa kaniya. "You're only saying that now because I did something to you, Alaric. Kapag gumaling ka na at nasa matinong pag-iisip, I think you would hate me."

Tumitig lang siya sa 'kin. Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak sa pisngi niya. "That won't happen, my lady. Never. You're—"

Napalingon ako sa pinto dahil sa marahas na pagbukas no'n. Natulak ko kaagad si Alaric, which made him groan from the sudden pain in his chest.

Hindi ko alam kung bakit ko siya tinulak. Wala namang kaso sa akin kung makita kami ni Ida. But still, my body moved on its own. Inayos ko na lang ang upo ko at humarap sa pinto.

Nagpabalik-balik naman ang tingin sa amin ni Ida. Matagal pa itong tumitig. Mabagal siyang naglakad sa puwesto namin pagkasara ng pinto. Her black dress with white apron swayed while she walked.

"My lady... ito na po ang pinapakuha niyo."

She handed me some shirts and trousers. Kinuha ko naman iyon sa kaniya. Pinasalamatan ko siya.

"Wear this first in the lavatory, Alaric. Bago natin titignan ang mga pasa mo."

Tinuro ko sa kaniya kung saan. Tumagal ang titig niya sa akin bago bumaling sa tinuro ko. There was uncertainty in his eyes. Mukhang ayaw pa nito.

"Go, Alaric. I'll be waiting here."

"Y-You promise, my lady?" May kaba sa boses niya.

"I promise. Now go." Marahan ko siyang itinulak at inalis ang kamay ko sa kaniya. Hindi nito nagustuhan ang ginawa ko pero binigyan ko siya ng maotoridad na tingin.

Wala naman itong nagawa at tumayo na siya. Pabaling-baling ito sa puwesto ko bawat hakbang niya. Na para bang sinisigurado na nandito pa rin ako at nakaupo. I gave him an encouraging smile. He relaxes at tuluyan nang pumasok.

He might need to take off the shirt later, pero mas okay na ang magbihis muna siya. It would be awkward for us if he was naked sitting there while treating his bruises.

Tinanaw namin siya pareho ni Ida. Napabuntong hininga ako. "He needs treatment, Ida. Can we call a doctor here?"

Bumaling ako kay Ida, nakatanaw pa rin siya sa pinasukan ni Alaric. "That's strange, my lady. He looks fine to me. Some people would be insane right now if the smoke where left burning for that long."

I sighed again. "You might think he's okay when you look at him. But he's not, Ida. Trust me, bigla-bigla na lang nagbabago ang mood niya. Lalo na noong pumasok ako. Halos wala siya sa sarili."

The Duke's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon