Chapter 23

2.2K 90 15
                                    



I was walking around the castle grounds to pick some flowers in the garden when I heard giggling noises around the corner. I wanted to display them in my chamber before winter came.

"Ano? Did Alf confess to you or not?"

"Yes, he did. Just last night. Kami na."

Bumungisngis muli ang dalawang babaeng servant. Nakatalikod ang mga ito sa akin at nakaharap sa training yard kung saan naroon din ang kukuhanan ko ng mga bulaklak.

I peeked around the two servants' backs and saw the knights training in the open space beside the garden. Halos lahat sila ay may hawak na wooden sword. They were practicing sword fighting. The clack of their sword reverberated around the vicinity.

"Lady Victoria!"

Tinapik noong isang babaeng servant ang kasama nito nang makita akong papalit sa kanila. Bakas sa mukha ang gulat at takot sa mga mata nito ng mapatingin sa gawi ko.

Agaran na lumuhod ang isa sa harapan ko na kinalaki ng mata ko.

"I'm sorry, my lady. Please, huwag niyo po kaming patalsikin sa kasitlyo. We are not slacking in our job if that is what you think were doing. Nanonood lamang po kami saglit sa aming pahinga."

Napatingin tuloy ang ibang knight sa aming puwesto na siyang nagpakaba sa akin.

Mabilis kong kinuha ang braso ng servant at hinila siya patayo. "No, no, please don't do that!" I whispered at her so that we won't grab the others knight attention na halos kalahati ay nakatingin na sa amin. "It's fine! It's fine! You can watch all you want! I'm just here to pick some... f-flowers..."

Mahigpit kong hinawakan ang gunting na dala ko at napakagat sa aking labi. Dahil nakatutok na ang mata ng lahat sa akin, kasabay pa nito ay lumuhod din ang isang kasamahan niyang servant sa harapan ko.

The spotlight was on me again. Gusto kong mapapikit ng mariin kaya lang baka pati iyon ay ma misinterpret nila.

Pinatayo ko na rin iyong isa pa. "P-Po? Totoo po ba ang sinasabi niyo?" Parang nabingi ang mga ito sa sinabi ko at naguguluhan na tumitig sa akin. Bumaba ang mata ng isa sa hawak ko na gunting.

"H-Hindi niyo po kami papahubarin at papalayasin?" nanginginig na tanong ng brown hair na babaeng unang lumuhod sa akin.

Umiling ako at agad na tinago ang gunting sa likuran ko. I plastered a friendly smile on my face so the knights could see it. "No, of course not!" I laughed nervously. "I-If you want, I-I can watch with you guys! Yes! That's it! I'll watch beside you while I pick some flowers."

Pasimple akong sumisilip sa mga knight at ang iba sa kanila ay nagbubulungan na. Napalunok ako. They couldn't hear us from here. And that was making everything worse.

"G-Gusto ko kasing maglagay sa silid ko bago pa ito malantay ng tuluyan sa darating na taglamig... para naman hindi masayang... i-if you don't mind me joining?" hindi siguradong tanong ko sa dalawang servant dahil nakayuko naman ngayon ang mga ulo nito sa akin at ayaw akong tignan.

Umangat ang ulo ng mas bata sa dalawa na bakas pa rin ang kaguluhan sa mukha. "O-Of course, my lady. W-We're happy to assist you," mukha pa itong napipilitan sa sinabi.

Assist... I didn't say I wanted assistant... Pero para malihis na ang tingin ng mga knight sa amin ay tumango na lamang ako.

"A-All right then! Let's go?" I cheered up my voice at pinag saklop ang kamay ko. For them to know that I was happy for their company.

Nagkatinginan silang dalawa at alanganin na ngumiti rin sa akin. We then went to the garden beside where the knights were practicing.

Nakatingin pa rin sa gawi namin ang iba at nagbubulungan pero ang ibang walang pakialam ay nagsimula muli sa pag-eensayo.

The Duke's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon