SUZAINE's POV
“Tama ka, masyado pang maaga para sumuko ako.”
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan si Keira, na naglalakad patungo sa direksyon ng Dormitory Building. Pero, agad din na nawala ang ngiti sa mga labi ko nang madako ang tingin sa hawak na papel.
Serine...
Ang laki ng pagkakahawig ng wangis nilang dalawa pero, imposibleng may naganap ulit na reincarnation. Dahil ipinanganak siya tatlong buwan bago ang pagkawala ni Death. Nagkataon din ba na kapangalan niya ang anak nina Zereth at Death noon?
May isa pang bagay akong ipinatataka sa kanya. Bakit nais niyang pumasok sa Centrias University? Isa ba siyang Dhampir? Kaya wala siyang alam sa patakaran pagdating sa mga bampira na walang kinabibilangan na Clan?
Sa ginawa niya, parang siya mismo ang naghukay sa sarili niyang libingan.
Muli na akong nagpatuloy sa paglalakad patungo sa gusali kung saan naglalagi si Sherez. Sana lang talaga ay nandoon siya dahil kung wala? Mahihirapan na naman akong hagilapin siya.
“...at isang kahihiyan kapag ikaw ang naging Elder ng angkan natin.”
Nahinto ako sa paglalakad nang marinig iyon kaya tumingin ako sa kaliwang direksyon kung saan nagmula ito.
Si Sakira at kausap ang kanyang ama. Mayroon pa silang kasama na tatlong member din ng Clan nila.
Mukhang naramdaman na nila ang presensya ko dahil lumingon sa akin ang ama ni Sakira. Balak ko pa sana magbigay galang pero, umalis na ito kasama ang mga tagasunod.
Hinintay ko munang mawala ang presenya nila bago nagtanong.
“Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba nasa bayan siya ng San Carlos?”
Ito na ang pangalawang beses na may nakasalubong akong Elder. Una, si Lady Isabelle ng Rowe Clan at ngayon naman si Master Takashi, ang Elder ng Fujiwara Clan.
Nagkakapagtaka dahil bibihira lang ang ganitong tagpo na makikita ang isang Elder. Maliban na lang kung may importanteng pagpupulong.
“Ano kasi...” Bumalik ang atensyon ko kay Sakira, at tila hindi siya mapakali. “Pwede bang mag-usap tayo mamaya? Pagkatapos mo kausapin si Sherez. Alam kong siya ang sadya mo rito.”
Tumango ako at sinabing mauna na siyang pumunta sa lugar na sinasabi niya kung saan kami mag-uusap.
Pagkapasok ko pa lang sa gusali ay mabilis na ang mga hakbang ko patungo sa silid na nagsisilbing opisina ni Sherez. Nasa Ikatlong palapag ito ng gusali at sa palapag na ito, siya lamang ang gumagamit ng mga silid dito.
Nasa tapat na ako ng opisina niya at hindi ko mawari ang kasabikan kong makita ang magiging reaction niya. Hindi sa akin, kundi sa larawan ng babaeng ipapakita ko sa kanya. Kakatok pa lang sana ako sa pinto nang bigla itong bumukas at mula sa kinatatayuan, natatanaw ko siya na nakaupo sa desk chair at nakalapat ang likod niya sa backrest nito. Ang inampon niyang stray cat ay nakahiga sa ibabaw ng office table niya.
Eighteen years na ang nakalipas pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa presensya niya. Simula nung bumalik ang kanyang alaala sa nakaraang buhay? Sobrang laki ng ipinagbago niya at iba sa Sherez na nakilala namin noon.
Tumikhim muna ako bago naglakad palapit sa kanya at huminto sa tapat ng lamesa.
“Naparito ako para hingin ang selyo mo, dahil may isang bampira na walang kinabibilangan na Clan ang nais pumasok bilang estudyante sa Centrias University.”
BINABASA MO ANG
The Vampire Princess: Vengeance
VampirPAALALA: Basahin muna ang Prophecy Of Two Creatures bago ang Vengeance. ---- Labing walang taon na kapayapaan ang natamasa ng mga Bampira sa ilalim ng pamumuno ni Sherez Monica Centrias. Ngunit sa mga taon na nakalipas ay ang unti-unting paglakas ng...