Sky's POV
"Rise and Shine!!" Sigaw ng kung sino kaya tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
Ang aga aga ang ingay.
"Hoy, bangon na!" Sigaw na naman niya kaya nabato ko siya ng unan.
"Huwag kang maingay!" Sigaw ko sabay talukbong ng kumot. Feeling ko makakapanakit ako.
"May pasok tayo, tska alis na natin mamaya" someone said kaya napabangon ako bigla.
Wrong move..
I became dizzy for a moment dahil sa biglang bangon ko sa kama. Sasakit na naman for sure ang ulo ko mamaya. Pero naexcite ako sa narinig ko. Oo nga pala, mamaya na kami aalis papuntang Palawan.
"Nakahanda na ba mga things mo for later?" Someone said kaya nilingon ko ito.
Nandito na naman 'to!?
"Bakit ba mukha mo na lang lagi ang unang bungad sa umaga ko!?" inis na sabi ko at binato ko siya ulit ng unan.
"Ayaw mo no'n? Literal na magandang umaga" she said kaya umarte akong parang nasusuka kaya hinagis nito sa akin ang unan na kanina lang ay binato ko sa kaniya.
"Ang sama ng ugali mo" she said kaya natawa na lang ako.
"Let me guess, nasa baba na silang lahat, 'no?" I asked her habang nag uunat unat.
"Yep, ikaw na lang ang hinihintay" she said kaya naman napalingon ako sa orasan ko, 6:30am. 8 am pa ang pasok namin ah?
"Hindi ba kayo marunong matulog? Ang aga niyo palagi" sabi ko at tumayo na sa kama. "Daig niyo pa alarm ko. Inunahan niyo siyang mag alarm" i said and nag stretching ng kaunti.
"Bilisan mo at mag ayos kana. Bagal" she said at naglakad papunta sa pinto.
"Matuto kayong maghintay. Bahala kayo" i said at kinuha ko ang phone ko at umupo sa upuan.
"Sus, hindi mo nga hinintay 'yung paliwanag ni Luna. Byeee" she said at mabilis na sinarado ang pintuan bago ko pa siya mabato ng kung anong madampot ko.
Tsk.
Speaking of Luna, she activated her account yesterday. I was a bit shocked kasi gagamitin pa pala niya 'yun. Akala ko hindi na.
I opened my facebook and nagulat ako sa unang photo na nakita ko sa newsfeed ko.
Klea Luna Gray: Out of the town escape.
Eyy ang hot, shet.
Maganda na umaga ko dahil sa nakita ko. Wait, she's out somewhere, i wonder where that would be? Baka naman nasa tagaytay lang din since nandoon ang resthouse nila.
YOU ARE READING
Us, This Time
RomanceRiah Sky Valeria - a jolly, humble, yet mysterious nursing student at Hamilton University. A positive student who always strives for the best. Klea Luna Gray - A famous, serious and beautiful professor who always gets what she wants. She doesn't wa...