Prologue

15 1 0
                                    


"Sino si Cielo?" I asked. Nakita ko silang magka-chat. Nakita ko kung paano siya ngumiti habang magkausap sila. I've never known a girl named Cielo. Hindi niya ako sinagot. "Hoy, sino si Cielo?" ulit ko.

"Why do I need to explain myself to you?" he said coldly. "Ano ba tayo?" dagdag niya at binalik niya sa bulsa yung cellphone niya. Natigilan ako sa tatlong salitang 'yon.

Tama. Ano nga ba kami?

"Alam kong kaibigan kita pero hindi naman dapat lahat alam mo." he added. Sinampal ko siya. "What the hell, Rio?" reklamo niya habang nakahawak sa pisngi niyang namumula.

"You know what? You've changed. Hindi na ikaw yung taong naging kaibigan ko. What happened to old Yvo?" sabi ko.

I laughed bitterly. "Tangina naman, all this time, akala ko we're on the same page." I saw how his jaw dropped dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko iyon pinansin at agad na naglakad palayo sa kanya.

"Rio!" sigaw niya. Pero hindi ako nagpatinag, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa namuo na ang mga luha sa aking mata.

"Teka lang, Rio!" sabi niya nang hinihingal. I looked at him lifelessly. "What do you mean? Can you clarify what you've just said?" he begged.

Natawa ako nang bahagya. I pursed my lips. "Mahal kita e, ang tagal na. I thought we were something, akala ko lang pala talaga." I said while looking straight at his eyes.

"Tama na siguro 'to, malinaw naman na sa akin na hanggang kaibigan lang talaga ako. Olats na ako." dagdag ko at iniwanan siyang nakatayo tila ba hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

Napangiti ako ng mapait.

Tangina. Ang sakit. Sobra.


 

We Were SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon