Chapter 1

19 1 0
                                    

#WWSChapter1

Today's our first day. Grabe, grade 11 na agad kami. Parang kailan lang noong grade 7 kami, puro pa kami kajejehan. Though kahit ngayon jeje pa rin in a way. Natawa ako sa isip ko habang inaalala ang mga pinagsamahan namin.

"Uy, Rio!" tawag sa akin ni Eula. Classmate ko noong grade 7 hanggang grade 10 pero ngayon magkahiwalay na kami dahil STEM siya at HUMSS naman ako.

"Uy, Eula! Aga mo ngayon ah." biro ko. Dati kasi noong juniors pa kami lagi siyang late kaya nakakapanibago.

Natawa siya sa sinabi ko. "Grabe ka teh, president kasi ako ngayon sa section namin. Kaya need talaga." Pareho pala kami, president din. Nararamdaman ko na agad yung pagod ngayon palang. It's so stressful to be a president in the class. So much responsibilities. Lalo na sa school na 'to. Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil kailangan pa namin asikasuhin ang nga bagay-bagay.

Umakyat na ako sa 3rd floor dahil doon daw ang classroom namin according to our class adviser. Pagpasok ko ng room, nakita ko yung mga old classmates ko. But mostly, transferees yung mga nakikita ko. I'm an introvert but I need to socialize because they're my responsibility for this whole school year. Can't wait to make another memories with them. Sana maging maganda itong taon na 'to sa amin.

The bell rang. It was the sign for us to go downstairs. Since it's monday, we're obligated to attend flag ceremony. Nang malapit na mag Lupang Hinirang, nakita ko ang bff ko na tumatakbo. Hay nako! Kahit kailan talaga late. Nasa dugo na ata niya ang pagkilos nang mabagal. Sa 11 years naming pagkakaibigan, nasanay na rin ako.

"Nakasalubong ko si Ma'am Floresca." sabi niya at tumawa nang palihim. "Late na naman daw ako" dagdag niya.

"Dapat sinabi mo, hindi ka pa sanay Ma'am?" I replied.

After the flag ceremony, bumalik agad kami sa classroom dahil sobrang init sa labas. Our first class is Gen Math. Ano ba yan, ang aga aga math agad. While waiting for our teacher, dinadaldal lang ako ni Clai. Kinwento niya na may nakita raw siyang gwapo.

When I decided to go to CR, we heard someone knocked on the door, and nilabas iyon si Sir Luke. Probably our General Mathematics teacher. Nothing really happened to his class, nanghingi lang siya ng index card namin, and nagpa introduce sa harapan.

"Okay, class dismissed." he said. "Class president, go to my office mamayang 1pm." he added. I just nodded dahil alam ko naman yung ipapagawa niya. Group chat sa messenger as usual.

Our next subject is Oral Communication, then recess na. And I know for sure, terror ang teacher namin dito. I just heard it from the grade 12 graduates last year. So, I more like prepared myself. I was reading our modules when Ma'am Sienna entered our room. Siya ang pinaka-kinakatakutan sa lahat ng mga teachers dito sa school. Dahil sa aura niya at pananalita, alam mong masungit na.

"Good morning, HUMSS. Tama ba? HUMSS kayo di ba?" she asked. "Yes, Ma'am" one of my classmates replied. "Can I get your index card? Write your name and your strand. Be fast. We will have recitation. I'll be back in a few minutes." mataray na sabi at lumabas ng room.

What? Recit agad? Damn, I should've read our modules earlier.

"Ready?" sabi niya pagbalik. Ibinigay namin yung mga index card namin sa kanya. She shuffled it, at bumunot ng isa.

Lord, please. Wag muna ako.

Grabe yung bilis ng tibok ng puso ko, alam ko namang makakasagot ako pero kinakabahan pa rin ako.

"Dela Cuesta, Clai" tawag ni Ma'am. Napatingin si Clai sa akin.

"Kaya mo 'yan." I mouthed. Nakita ko kung paano siya huminga ng malalim bago tumayo.

"What is communication? In your own words." sabi ni Ma'am.

Shit, medyo madali palang yung tanong. I just knew na hihirap 'yan kapag mas dumami ang tanong.

"Communication means exchanging information. It is something that we use everyday, like we are doing right now. It can be verbal and non verbal." Clai said. Pinalakpan ko siya sa isip ko. I'm so proud of her. She improved a lot.

"What is the importance of Communication?" she asked another question. Hinalo-halo niya ulit yung index card, at tumingin sa akin.

I knew it. Damn. Para akong mamatay sa tingin ni Ma'am.

"Villaflor, Rio Alaia" she said. I immediately stood up. Inayos ko rin yung body posture ko baka sabihin niya tinatamad ako sa klase niya.

"Communication, as Clai previously stated, involves the exchange of communication. Learning to communicate effectively is one of the most essential abilities we can acquire. As students, we must make sure that we have a thorough understanding of our teacher." I said. Ma'am Sienna archer her brow.

Tangina, may nasabi ba akong mali?

Ma'am Sienna asked more questions about communication. And luckily, most of us answered those questions. I hope we can maintain this kind of performance through the whole year.

"Class dismissed." she said and walk through the door.

"Grabe nakakatakot si Ma'am"

"Ganon ba talaga siya?"

"Para siyang mangangain ng buhay"

Damang-dama ko ang takot ng mga kaklase ko. Ganyan din kasi nararamdaman ko. Inayos ko na yung gamit ko dahil lilipat na naman kami ng room. Parang college type lang.

"Ate Rio" tawag sa akin ni Faye. Ang weird naman ina-ate pa ako, magkalapit lang naman siguro mga edad namin.

"Hala, 'wag mo na ako tawanging Ate. Rio or Aia nalang." sabi ko nang nakangiti. Ang cute niya pala. Ngayon ko lang nakita face niya nang malapit. "Ano 'yon?" dagdag ko pa.

"Ay, sige. Ask ko lang if saan tayo lilipat ng room?" she said cutely.

Parang gusto ko pisilin yung pisngi niya.

"Sabi ni Sir Luke, sa Chem Lab daw tayo. Around 3rd floor lang din." I replied. Nakakapanibago kasi yung setup namin ngayon dahil palipat-lipat kami every subject. Unlike before when we were juniors, may naka-assign na room buong year namin.

"Okay, thank you Miss Pres." sabi niya at umalis na.

****

We were in the middle of the class when someone looked for me. I don't why.

"Excuse po si Ate Rio" sabi ni Jancel. Grade 9 na siya I think? "Pinapatawag po ni Sir Aaron sa office niya." sabi pa niya.

Huh? Bakit naman ako ipapatawag non? Medyo kinakabahan ako rito ah.

Habang pababa ako ng hagdan, nakita ko si Nics, childhood bestfriend ko rin. Trio kasi kami nila Clai kaso nag ABM siya. "Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa office ni Sir Aaron, tawag daw ako eh." sabi niya. Huh? Bakit kaya kami pinapatawag non? "Weh ba? doon din punta ko e. Bakit kaya?" I replied. She just shrugged. Nang dumating kami sa office ni Sir, ngumiti siya.

"May idea ba kayo kung bakit ko kayo pinatawag?" tanong niya.

Mukha po ba kaming manghuhula? kimi

We shook our head as a sign of disagreement. "Ay teka, wala pa yung dalawa. Sina Eula at Yvo." sabi pa niya. Umupo muna kami sa sofa ni Nics habang nag-aantay sa dalawa. Few minutes passed, dumating na sila. Hindi ako pamilyar sa isang lalaki na kung tawagin nila ay Yvo.

Sabi ni Sir Aaron, magkakaroon ulit ng SGO. Kami raw nung Yvo ang magkapartido. Magkalaban sila ni Eula for the position of Grade 11 Representative at kami naman ni Nics ang magkalaban for Vice President External. Bakit si Nics pa na kaibigan ko? Damn. Tapos makakasama ko pa yung Yvo na 'yon. Mukhang mayabang. Ayoko ng dating niya.

When I looked at him, he smiled.

What the fuck?



We Were SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon