#WWSChapter4
Today's the day. Ngayon na malalaman lahat ng mananalo sa SGO. Medyo kinakabahan ako pero binalewala ko lang. I was walking in the corridor when I saw Sir Aaron.
"Libre mo 'ko ah" sabi niya habang nakangiti.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Bakit po sir?" tanong ko. Ang weird naman. Out of nowhere ganon sasabihin niya.
"Wala, good luck mamaya." sabi niya at umalis na. Ewan ko ba kay Sir Aaron, hindi ko alam kung pagod lang ba siya kaya niya nasabi 'yon.
May review class lang kami ngayon dahil malapit na mag midterms. Nagbabasa lang ako ng mga modules nang may mareceive akong text galing sa kapatid ko. Pinapauwi na raw ako. It's already 4:30 pm na kasi. Late na sa kanila yon.
At dahil matigas ulo ko, di ako umuwi. I've waited for the announcement. Pagpatak ng 5 pm, pinababa na lahat ng estudyante sa quadrangle ng school. May malaking monitor doon, at malamang doon ipapakita ang results ng election.
Sa bandang likod kami pumwesto. Lumayo ako para di ko makita yung results. After a few minutes, pinresent na yung mukha nila Yvo at Eula.
Yvo won.
Edi congrats.
Maya maya lamang ay mukha na namin ni Nics ang nandon. Hindi ko makikita yung numbers ng votes kaya pumikit nalang ako.
"For Vice President, we have Rio Alaia Villaflor!" sabi ni Sir Aaron. Kaya pala sinabi niya na ilibre ko siya kanina.
Puro sigawan ang narinig ko sa paligid ko. Cinograts din nila ako. Pero the first thing I did is to congratulate Nics. Pinasalamatan ko yung mga tao na nasa paligid ko at napatigil ako ng tumatawag si Yvo sa messenger. Di ko sinagot. Nasa iisang lugar lang kami tinatawagan pa ako.
Yvo sent a video.
I opened his message. It was a video he took noong ina-announce yung winner sa aming dalawa ni Nics.
Rio Alaia Villaflor 5:16 pm
Nandito ako baliw.Yvo Smith 5:17 pm
Nandyan ka pala HAHAHAHAH akala ko umuwi ka na.Rio Alaia Villaflor 5:18 pm
Congrats, btw.Yvo Smith 5:18 pm
Thank you. Congrats too, VP Alaia.
What the fuck? I felt my heart skip a beat. VP Alaia ampota. Daming alam.
Pagkatapos ng announcement ay agad akong umuwi kundi malilintikan talaga ako. Nasa gate palang ako sinalubong na ako ng kapatid ko.
"Kumusta? Panalo?" tanong niya.
"Olats." sabi ko. Balak ko sana sila i-prank. Nakita kong nanlumo siya sa narinig niya. Natawa ako sa isip ko.
Nagmano ako kila Mama at Papa. Tinanong din nila kung sino panalo.
"Wala, talo." sabi ko at tumawa.
"Okay lang 'yan, forda experience ba." sabi ni Papa. Hay nako, nahahawa na talaga 'tong si Papa saming kabataan. And I'm glad to know that.
"Charot! Nanalo ako. Libre niyo 'ko jollibee ha." sabi ko. I saw how their faces enlightened.
"Congrats, 'nak!" sabi nila.
BINABASA MO ANG
We Were Something
Short StoryRio Alaia Villaflor is a consistent honor student who never runs out of crushes. She thought that senior high school would be her crushless era, but not until Shiloh Javier de Vera entered the frame, whom she believed was smarter than her.