Chapter 2

21 1 0
                                    

#WWSChapter2

Sabi nila, time flies so fast when you're happy. I guess they're right. Mag ca-campaign na agad kami for SGO. It's the time para makuha ang loob ng mga estudyante para iboto ka. Typical highschool talaga. Magbibigay ng candies, flyers, even balloons. Minsan napapaisip ako, nakakasawa rin yung ganitong setup. Like wala bang bagong ganap? 

Nauna kami sa room ng mga pre-schoolers. As if naman alam nila yung ginagawa namin. Nakipag high-five nalang ako at nakipaglaro dahil bata palang naman sila. Napatingin si Yvo sa ginagawa ko at ngumiti na naman. 

Ano bang problema nito? Bakit ngiti nang ngiti? Baliw ba siya?

Pagkatapos namin sa mga pre-schoolers, sumunod na yung room ng mga elementary. Bukas na raw yung junior high at senior dahil 2 days naman daw ang campaign. Nakakapagod. Buong araw kami nag campaign. Excuse naman daw ako sa klase kaya okay lang. Pagkauwi ko sa bahay, nag half-bath agad ako. I feel so dirty. Grabe rin kasi yung pawis na natamo ko kanina. After ko mag half-bath, nahiga nalang ako. Wala akong gana kumain dahil sa pagod. 

***

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako and my parents didn't even bother to wake me up. Malamang alam nilang pagod ako. It's already 5:30 am. Gumayak na ako dahil 7:30 am daw ang simula ng day 2 campaign namin. Finally matatapos na rin. 

"Ano oras ka aalis?" tanong ni Papa habang nagkakape at nanonood sa TV. "Mga 7:15 po siguro pa." sagot ko at naligo na. Paglabas ko ng CR namin, may nakahain ng mga pagkain. I saw egg and ham kaya nagbihis agad ako at kumain.

When things are already set, I asked my father to drop off me in the school since paalis na rin siya para pumasada. Tricycle driver at seaman si Papa at the same time. Wala pa siyang line-up kaya pumasada muna siya para kahit papaano may makakain kami. 

Pagdating ko sa school, pumunta agad ako sa assigned room namin. Maya maya lamang ay nagsimula na kami mag room-to-room. Nasa grade 8 na kami nang may nag chat sa akin. 

Si Yvo.

Yvo Smith 8:30 am

Rio, nag start na kayo?

 Rio Alaia Villaflor 8:32 am

Oo, naka dalawang section na kami.

Yvo Smith 8:33 am

Gagi, kakasakay ko lang. 

Maling sched pala nakita ko. Pasabi kay Pres na sorry.


Rio Alaia Villaflor 8:35 am

Sige, ingat ka. Habol ka nalang HAHAHAHA

Yvo Smith 8:36 am

Thank you, malapit na ako HAHAHAHA



I just reacted to his message. Ayoko naman maging rude kahit ayoko talaga sa kanya in the first place.  Something's off kasi. Maya-maya ay dumating na nga siya. Nagkatinginan lang kami na para bang hindi kami nag-chat. Naka 3 sections pa kami before lunch. Bumalik muna ako sa room namin at nakita ko sila nakaupo lang at nagku-kwentuhan. 

"Hi, Riooo!" sabi ni Nylah. She hugged me. I hugged her back. Actually, hindi talaga kami close ni Nylah when we were juniors pero ngayon bff na kami. I'm so glad. "You look so haggard na, mag retouch ka mhiemasaur." sabi niya. Umupo ako sa upuan ko at umidlip saglit. Buti hindi ako nakatulog nang mahimbing dahil hindi pa tapos yung campaign namin.  

Bumalik na ako sa campaign room namin at umupo lang. Lumapit si Yvo, may dalang tumbler. 

"Gusto mo?" he asked. Anong pumasok sa isip niya at nag aalok siya?

"Ano 'yan?" I asked him back. "Uhh, chocolate drink?" sabi niya. Parang tanga. Bakit patanong? Hindi ba siya sure na chocolate drink yung hawak niya? 

"Ay, sorry. Hindi ako pwede sa chocolate, eh." I replied. 

"Bakit?" tanong niya. Tangina, bakit ang dami niyang tanong? Nakakainis na.

"May sakit kasi ako sa puso. Baka mag trigger if iinom ako nyan. Pero thank you pa rin." I said sincerely. He nodded as a reply. May kinuha siya sa bulsa niya. 

"Ito ba? Pwede sa'yo?" tanong niya ulit habang hawak yung candy. 

Hindi ba siya titigil? Baka may lason? Wag na kaya?

"Pwede naman"  I smiled slightly. Tinanggap ko yung candy para matigil na siya. Thankfully, umalis na siya after that. 

After few hours, finally tapos na yung campaign. I sighed. What a day.

***

Pagkauwi ko, naglinis agad ako ng katawan at nagpahinga. I decided to go to bed but I can't sleep. Fuck this insomnia. Nag cellphone nalang ako and I opened Facebook. Nakita ko na nagpapalit ng profile pictures yung mga kapartido ko using our template. Naisipan ko ring magpalit.

Napatigil ako sa pag scroll sa newsfeed ko nang may nareceive akong notification.

Yvo Smith reacted ♥️ to your photo.

Damn. I don't know why pero sobrang irritated talaga ako sa kanya even though he's nice towards me. Tangina, hindi pa sapat yung pag react niya.

Yvo Smith shared your post.



We Were SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon