01

9 0 0
                                    

"Bakit ang sama ng timpla mo ngayon?" Tanong ni Clair at hinawakan pa ang noo ko. "Wala ka namang sakit, anong meron?"

Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagsosolve. Balik ako ngayon sa FAR subject para mareview ko ulit, ito kasi ang may pinakamaraming topics na kailangan pag aralan.

"Hanggang ngayon 'di pa rin ako nahahawa sa katalinuhan mo, Ayessa! Baka hindi ka mabuting kaibigan sakin kaya ganito?" She said pouting.

I rolled my eyes and look at her. "Oo nga, ako nga nahawa sayo, kita mo di ko napasa Retention ko!"

Tumawa lang siya dahil 'dun at hindi na ko inabala. She know how important my study is. Kaya if I'm serious, hinding hindi na siya nanggugulo but I know how to enjoy naman, pag kasama siya.

"What happened pala when they knew you didn't pass?" Dahan-dahan niyang sambit, na para bang makakabasag siya sa tanong na iyon.

"I got wound on my head," nakangiti kong sambit at nagkabit balikat. She look at me worried kaya pinitik ko lang ang noo niya. Ayaw kong kaawaan dahil 'dun, dahil alam ko namang deserve ko 'yun.

"Palit nalang tayo ng ulo," seryoso niyang sabi.

"The heck? Walang laman ulo mo kaya kahit mayupi yupi na 'to 'di ako makikipagpalit sayo!"

"Ito naman! Joke lang. Edi ikaw na matalino. Oh sayo na medal oh, pati korona, nakakahiya naman sayo!"

Sinapak ko lang siya dahil pinatong niya pa sa ulo ko ang korona daw. 'Nung oras na ay pumasok na kami sa klase namin. Wala namang nangyayaring maganda dahil wala pa rin akong major subjects. At kahit isang linggo na ang nakalipas, naiinis pa rin ako kay Devo.

We always see each other in the campus, and I always glare at him. Napapansin niya rin naman 'yun kaya tinataasan niya lang ako ng kilay kaya mas lalo akong naiinis. Hindi ko parin kaya makakalimutan yung sinabi niya sakin. What? Mag-aral pa ko? What am I, wasting my time doing things unnecessary, and not studying?

"Girl, may nakapost na competition sa bulletin sa may Accountancy department," bungad sakin ni Clair pagkapasok ko sa room.

"Ang aga mo ha? Nagbabagong buhay ka na ba?" Sambit ko pagkalapag ng bag ko.

"Tanga! Sumabay lang ako kay Papa para makalibre ng pamasahi."

Inaya ko siyang pumunta sa bulletin board para tingnan yung announcement.

Looking for participants for Accounting quiz showdown. The competition will be held at Cebu City, on August 10. This is a collaboration with National Mid-year Conference.

"Hala, mag sign up ka na! Sa NMYC pala to, dali!" Sabi ni Clair sakin at tinulak tulak pa 'ko papasok sa Accountancy Department.

Tiningnan ko muna si Clair at nagthumbs up siya bago ako pumasok. Di naman ako kinakabahan e, this is what I am always looking forward every year. I competed the same event last year. 'Nung first year ay hindi ako dahil yung senior namin na lagi siyang sinasalang ang pinasali. And when he graduated, I sign up.

I saw Sir Chu, the vice chair of the Accountancy Department, talking with Devo pero lumapit parin ako just to hear kung ano ang pinag uusapan nila.

"I want you to compete for the Accounting quiz in Cebu, Mr. Zamora." I heard Sir Chu said kaya napaayos ako ng tayo kaya nakita nila ko agad.

"Hey Ms. Alvarez," I smiled at Sir when he called me. "Do you need something?"

"Actually sir, I'm going to sign up for the Accounting Quiz." Deritsahan kong sabi. I saw how Sir Chu move his gaze towards Devo and me, pabalik balik. I look at Devo at tahimik lang siyang nakaupo.

Claiming the TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon