03

8 0 0
                                    

Isang linggo na lang bago ang competition para sa NMYC sa Cebu. I didn't waste any single day to slack off. Ayokong mapahiya kay Attorney at sa buong school. Tax is easy for me at dahil na rin sa ako lang naman ang magcocompete dun. While sa RFBT, kung hindi lang dahil kay attorney ay hindi maayos ang review namin. Pano ba naman, walang araw na hindi ako naiinis sa kaniya. He is not doing anything but still, I'm annoyed!

Devo is smart. I agree with what our classmates said about him. He's also chill, and works hard. Pano ko nasabi?

Well, one time this week, during our review, he was late. Nakakahiya kay attorney kasi marami siyang trabaho na need tapusin. I welcome him with my glare that time cause he is 20 minutes late! But attorney just smile at him and explain to me that he just got off from his work which is tutoring some first year bridging students in their Basic Accounting.

So, anong nakakainis 'dun? Wala! Naiinis lang ako. How can he work so hard and still excel in his studies, and I'm given the opportunity to just focus on studying and I still fail?

"Nasan si Attorney?" Napatingin ako sa lalaki na nasa gilid ko. It's saturday and as usual, we are here in the library to practice and review.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa regarding the Revised Corporation Code. Attorney is usually on time however, 5 minutes na siyang late.

Devo and I received a text message from Atty. Lopez that she will not be able to review us as she have to go to court.

Nagkatinginan lang kami ni Devo at binaba ko ang phone ko. So, what should we do now? We can actually review this subject separately but since we have a coach, need na sabay kami. But today that Atty is not here, I might as well go home, or stay here and study other subjects or Tax.

"Una ako sa'yo Ayessa," Devo said while packing his stuff. I guess, he also doesn't want to be with me. I nodded lazily in response and went back to my readings.

Naramdaman ko ng walang tao sa tabi ko so I continue what I am doing. He will probably study at his house. I'll just stay here para naman ibang view yung nakikita ko habang nag-aaral.

Nararamdaman ko ng sumasakit ang leeg ko but I still go on kasi nasa last 5 section nalang ako. Naglalabo na rin ang paningin ko at parang babagsak na ang ulo ko. When I'm about to read the last section ay tuloyan na ngang bumagsak ang ulo ko.


I woke up by the silence. Nasa library pa rin ako. May ilaw na sa libarary kaya madilim na siguro sa labas. I look around and see Devo infront of me reading his notes sa Corp Code. Napapikit pa ko bago imulat ang mata to see if I'm not seeing things. Diba kakaalis niya lang kanina? Bakit siya nandito?

"You sleep for 4 hours," he said while his eyes is still on his notes.

What? 4 hours? Hindi na ko pwedeng matulog mamaya kasi naitulog ko na!

"Why didn't you wake me up? Gosh! It's not my sleeping time yet. Dapat ginising mo 'ko. Hindi ko pa tapos yung Corp Code— ko," I stop when I saw the last page of my notes on Corp Code na may mga sulat na. I remember not writing these.

"Bat mo pinakialaman ang notes ko?" Seryoso kong pagkakasabi.

I really don't appreciate this kind of help. Oo, at detalyado ang notes niya. Pero nareview ba 'ko dun? Hindi. I study while putting some side notes on the paragraph. Hindi ako para magbasa ng notes ng kung ano ang pagkakaintindi ng iba. I write based on what I understood. Kaya ayokong may nangingialam sa notes ko!

He look at me and see the seriousness of my face. "I'm sorry. I didn't know—"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinunit ang page na yun at tinapon sa kaniya. Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas ng library. Pinapamukha niya ba sakin na hindi ko kaya? Na mahina ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Claiming the TitleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon